Sheryl Cruz, tigas sa kanyang pagkontra kay Sen. Grace Poe

ADVERTISING

Sheryl Cruz, tigas sa kanyang pagkontra kay Sen. Grace Poe

Sheryl-CruzIISIPIN MO kaagad na pakana ito ng kalaban ni Sen. Grace Poe. Kaloka kasi ang mga kaganapan last Tuesday evening sa media launch ng kontrobersiyal ding pelikula na Felix Manalo na ginanap sa Manila Hotel.

ADVERTISING

Center of attraction kasi si Sheryl Cruz noong gabing ‘yun dahil sa kanyang statement sa press tungkol sa pinsang si Sen. Grace Poe na tatakbong presidente sa May 2016.

Ang statement kasi ni Sheryl tungkol sa pinsan at sa pagtakbo nito bilang presidente ng bansa: “She’s not yet ready for the task, for the big responsibility.”

Siyempre, ini-expect na kapamilya, lalo pa’t pinsan at si Sen. Poe ay close sa ina ni Sheryl na si Rosemarie Sonora, hindi mo iisipin na aabot sa ganito ang sentimiyento ng pinsan ng senadora na alam naman ng nakararami na makasisira ito sa kanyang kandidatura.

ADVERTISING

Sa naturang event, pagpasok pa lang niya sa presscon area, naharang ng media si Sheryl, kung saan kabilang siya sa maraming showbiz personalities na mapalad na nagkaroon ng role sa pelikulang dinirek ni Joel Lamangan. Pero imbes tumuloy sa event, mas minabuti ni Sheryl na magkaroon ng instant presscon sa coffee shop ng hotel.

Sa tuwirang salita, sabi ng singer-actress, masyadong mabilis ang desisyon ng pinsan na pasukin ang paka-presidente. Ginawa nga niyang example ang isang senador to point out her position sa isyu. “Kung mas marunong nga na senador na si Serge Osmeña, who works closely with my cousin, ang sinabi nga niya, ‘She would make a fine president, just not right now. It’s just that she would be a more effective president come 2022 and not 2016,” sabi niya sa media.

Paliwanag din niya na hindi siya ginagamit ng dalawang presidentiabe na makalalaban ng senadora na sina Binay at Roxas para bakbakin ang imahe at kredibilidad ng kanyang Ate Grace sa publiko.

Wika ni Sen. Grace tungkol sa statement ng pinsan, “I thank Sheryl for her opinion and concern for us. As family, we will give her the love and respect she deserves.”

Habang isinusulat namin ito, wala pang statement si Manang Inday (Susan Roces) sa statement ng pamangkin.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING