Sheryl Cruz, pinalabas sa hotel sa presscon ng pelikulang kasama siya?

ADVERTISING

Sheryl Cruz, pinalabas sa hotel sa presscon ng pelikulang kasama siya?

Sheryl-CruzMARAMING KAPATID sa panulat ang nagulat nang biglang palabasin ang singer-actress-businesswoman na si Sheryl Cruz sa grand presscon ng pelikulang Felix Manalo na ginanap sa Manila Hotel, kung saan may cameo role si Sheryl.
Tsika ng ibang naroon, baka raw ang rason kaya pinalabas si Sheryl sa Manila Hotel ay may kaugnayan sa naging pahayag nito na hilaw pa ang kanyang pinsan na si Sen. Grace Poe para tumakbo sa pagka-pangulo na ikinasama ng loob ng nasabing senador at ng iba pang pamilya nito. Maaalalang suportado ni Sen. Poe ang Iglesia ni Cristo na siyang nasa likod ng pelikula.

ADVERTISING

At ang isa pang naiisip ng marami na rason ay ang pagkalat ng text messages na sa nasabing presscon ay may pasabog na sasabihin si Sheryl patungkol sa kanyang pinsang si Sen. Poe, kaya marahil hindi na ito isinama pa sa presscon at pinalabas na lang ng nasabing hotel.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING