Sheryl Cruz, pass muna sa pagkokontrabida

ADVERTISING

Sheryl Cruz, pass muna sa pagkokontrabida

Sheryl Cruz
Sheryl Cruz

Pass muna raw sa pagiging kontrabida ang singer/ actress/ businesswoman na si Sheryl Cruz sa kanyang bagong serye sa GMA 7, ang “Duwende Ang Boyfriend Ko” na pagbibidahan nina Louise Delos Reyes at Juancho Trivino.
Mabait daw kasi ang role na ginagampanan ngayon ni Sheryl sa nasabing serye, taliwas sa naging role nito sa katatapos lang na “Buena Familia” na kontrabidang-kontrabida ang kanyang role.
Happy nga raw si Sheryl Cruz dahil sa pagbibigay sa kanya ng bagong trabaho ng Kapuso Network at hindi siya nabakante nang matagal.
Bukod nga sa pag-arte, bibigyang-pansin din ni Sheryl ang kanyang pag-awit at pagko-compose ng mga kanta ngayong taon.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING