Sheryl Cruz, palaban sa mga co-nominees for Best Supporting Actress sa Star Awards for TV

ADVERTISING

Sheryl Cruz, palaban sa mga co-nominees for Best Supporting Actress sa Star Awards for TV

Sheryl-CruzKABADO AT excited ang mahusay na singer/ composer/ actress na si Sheryl Cruz sa nakuha nitong nominasyon sa PMPC Star Awards for Television na gaganapin sa Dec. 3, 2015 sa Kia Theater, QC, kung saan nominado ito for Best Supporting Actress para sa mahusay nitong pagganap sa Strawberry Lane.
Tsika nga ni Sheryl, “Thankful ako sa pamunuan ng Philippine Movie Press Club sa nominasyong nakuha ko Star Awards for Television. Nakakakaba at nakae-excite dahil magagaling ang mga co-nominees ko para sa nasabing kategorya. Pero win or lose, happy na ako, kasi napansin ang acting ko sa Strawberry Lane. Pero siyempre mas maganda ‘pag nag-win. Hahaha!”
Bukod sa nasabing nominasyon, masaya rin si Sheryl dahil na-extend ng another one month ang kinabibilangan nitong teleserye na”Buena Familia”.


Marion-Aunor Marion Aunor, kinabog ang ibang singer, may North American Tour

BONGGA ANG mahusay na singer na si Marion Aunor dahil after maging successful ang kanyang mini-concert sa China Town Mall kamakailan na dinagsa ng maraming supporters nito, magkakaroon naman siya ng North America Tour.
Sa December 18, nasa D’ New Haven New York ito; Dec. 19 sa Step by Step Dance Sport sa New Jersey; Dec. 20 sa Ichiban, San Francisco; Dec. 23 sa Josephine S, Los Angeles; at Dec. 27 sa Canada Inns Destination Centre sa Winnipeg, Canada.
Kasabay ng North American Tour ni Marion ang promotion na rin ng kanyang hot selling album under Star Music.
Darren-EspantoDarren Espanto, laging sold out ang road tour

TULUY-TULOY RAW ang Road Tour ng napakahusay na singer na si Darren Espanto para na rin sa promotion ng kanyang Platinum album under MCA Music.
At sa bawat tour ni Darren, sold out ang tickets na suportado ng kanyang mga solid na tagahanga at supporters. Nand’yan ang Team Baliwags, Team Berde, The Prayer Warriors, Team Z, DBG, DVT, Team DSS, Darrenatics Worldwide. Theresa Madrona, Darrenatics Hawaii, Darrenatic Tolits, Darrenatic Laguna, Darrenatic Pampanga, Sheila Niki and Rea, Teresa of DIVT, sa pangunguna ni Rosemarie Carido Armas.
Everytime nga na may show si Darren kahit sa mga probinsiya ay pumupunta ang mga ito at 100% talaga ang suporta at ang nma ito rin ang dahilan kung bakit platinum na ang first album ng mahusay na teen singer.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING