Sheryl Cruz, ipinagpasa-Diyos na lang ang mga problema

ADVERTISING

Sheryl Cruz, ipinagpasa-Diyos na lang ang mga problema

Sheryl-CruzSA LAHAT daw ng mga kontrobersiya at problemang pinagdaraan ng 2015 Female Pop Artist of the Year sa katatapos na 7th PMPC Star Awards for Music na si Sheryl Cruz, sa Panginoon siya humihingi ng lakas ng loob at guidance.

“Actually, speechless ako, kasi ang bait ni Lord. He puts you through situations na akala mo, as a human being, hindi mo kakayanin, pero tama ‘yung sinasabi nila. ‘Pag ibinigay sa iyo ang isang bagay na pagdaraanan mo, it’s not because hindi mo kaya, kundi kaya mo. Kaya mo siya, it’s because of your faith, ito ‘yung kapalit.

“Sabi siguro ni Lord, itong batang ito matagal nang naghihintay, simula nung batikos na dumating sa akin. It’s so sweet dahil ibinigay Niya ‘yung tamang kapalit sa dinanas ko. So, thank you, Lord at sa PMPC… And I’m very, very thankful dahil kahit paano, marami pa rin dito ang nagmamalasakit talaga.”

Masuwerte na lang daw si Sheryl at sunud-sunod ang kanyang ginawang trabaho at maganda ang ratings ng GMA teleserye na kasama siya, ang Buena Familia.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING