Sheryl Cruz, hit na hit sa Japan ang composition na inawit ng Japanese singer

Sheryl Cruz, hit na hit sa Japan ang composition na inawit ng Japanese singer

Sheryl-CruzISA NANG international composer ang singer/ businesswoman/ actress at isa sa lead actress sa aabangang teleserye ng GMA 7 na Buena Familia na si Sheryl Cruz, dahil ang kanyang original composition na “The Last To Know” na ginawan ng Japanese lyrics (Hitori Botchi) ay inawit ng Japanese singer na si Lucy Nishikawa.
Masayang-masaya nga si Sheryl dahil unti-unti nang matutupad ang kanyang pangarap na makilala bilang composer, ‘di lang sa Pilipinas, kung hindi maging sa ibang bansa.
Isa pa nga sa labis na ipinagpapasalamat ni Sheryl ang pagiging certfied hit ng nasabing kanta sa Japan na ngayon ay palaging napakiakinggan sa iba’t ibang radio stations sa Japan.
Kaya naman daw mas naeengganyo ngayon si Sheryl na gumawa pa ng ibang komposisyon na ipaaawit niya sa mga singers, ‘di lang sa bansa, kung hindi maging sa ibang bansa.
Kim-RodriguezKim Rodriguez, masaya sa pagtaas ng ratings ng pinagbibidahang soap

 

HAPPY RAW ang young actress na si Kim Rodriguez dahil sa pagtaas ng ratings ng kanyang pinagbibidahang serye sa Kapuso Network na My Mother’s Secret.

Isa sa marahil dahilan ng pagtaas ng nasabing serye, bukod sa papagandang istorya nito, ay ang kanilang tambalan ng kanyang close friend na si Kiko Estrada. Marami kasi ang kinikilig sa tuwing magkaeksena ang mga ito.

Masasabi ngang nag-click ang kanilang tambalan on screen at marami ang umaasang mauuwi ito sa totoong buhay, lalo na’t bagay na bagay raw ang dalawa at masarap pagmasdan ‘pag magkasama.
Teejay-MarquezYSA Skin Care and Body Experts, paboritong skin care ng celebrities

 

NAGIGING PABORITONG Skin Care Clinic ng local celebrities ang YSA Skin Care and Body Experts na may tagline na “Nobody Loves Me Better Than YSA” na pag-aari nina Ms. Shiela Nazal at Robert Nazal.

At ilan nga sa mga suki nitong celebrities na kanila na ring endorsers ay sina Regine Tolentino, Alice Dixson, Dianne Medina, Teejay Marquez, Joj and Jai Agpangan, MM at MJ Magno, atbp.

Kaya naman, if you want to have a beautiful skin like your favorite stars, visit YSA Skin Care and Body Experts nationwide.

John’s Point
by John Fontanilla