Sheryl Cruz, hindi kakainin ang salita laban kay Sen. Grace Poe

Sheryl Cruz, hindi kakainin ang salita laban kay Sen. Grace Poe

Sheryl-CruzSA PAKIKIPAGTSIKAHAN ni Sheryl Cruz sa ilang entertainment press kamakailan, inamin niya hindi pa rin sila nagkakaayos ng kanyang pinsan na si Sen. Grace Poe at naniniwala na wala siyang sinabing masama, dahil nagsabi lang daw siya ng kanyang opinion.

Pinabulaanan niya na nagkaroon siya ng breakfast meeting sa isang congressman at isang supporter ni Senator Mar Roxas.

“Hindi ko sila mga kilala,” walang paliguy-ligoy na sagot ni Sheryl sa mga press na nakatsikahan siya.

Wala pa raw siyang sinusuportahan sa mga presidentiables. Napakaimportante raw sa kanya ang bagay na ito dahil kinabukasan ng bansa natin ang nakataya. Marami raw ang magagaling pero kailangan daw ang puso ay nasa tao.

Pinagdiinan ni Sheryl na kung anuman ang sinabi niya ay hindi niya ito ire-retract dahil sariling opinion niya ‘yun. Tumigil na siya sa pagsasalita dahil ayaw na raw niya itong pahabain pa.

When asked kung ano ang reaction niya sa sinabi ni Sen. Grace na respeto at pagmamahal ang ibibigay sa kanya, at kung naramdaman ba niya ang sincerity sa sinabi ni Sen. Grace?

“Ano sa palagay ninyo? Basta sa akin mahal ko kayo. Masaya ako na nandito kayo,” kaagad na sagot ni Sheryl na parang umiiwas sa tanong.

Bago kami nagpaalam ay tinanong namin siya kung totoo na inggit daw ang umiral sa kanya kaya siya nakapagsalita against Senator Grace?

“Inggit?! Masama po ang mainggit,” aniya.

 

NAPILI NA ang Ultimate Final 14 ng Starstruck last Friday na sinasaksihan ng ilang press sa studio 7 ng Kapuso Network. Sa parte ng lalaki, kapansin-pansin ang dating ni Migo Adecer na ipinanganak sa Bacolod pero lumaki sa Sydney, Australia.

Ayon na rin mismo kay Migo, malaki raw ang naging bahagi ni Kuh Ledesma na ipagpatuloy niya ang kanyang talento sa pagkanta. Mula Australia ay pinatira siya ni Ms. Kuh sa kanilang tahanan at pinalad namang mapasama sa Final 14 ng Artista Search ng GMA 7. Tamang-tama naman na pareho silang Christian ni Ms Kuh kaya nagkasundo sa tuwing umaga ay nagkakaroon sila ng praise and worship sa bahay at nagbabasa ng verses sa Bible.

Pagdating naman sa babae ay nagkaroon na siya ng girlfriend noon pero tinawag niya itong fake girlfriend. Crush naman niya si Sarah Geronimo. Humanga raw siya sa galing at husay magperform on stage ni Ms. Sarah.

“Hindi ko pa siya (Sarah) na-meet, pero ‘yung anak ni Kuh Ledesma, went to an event and saw Sarah. She told her siya ang crush ko. Tapos send photos to me, “Sayang, you didn’t come! Hahaha! Almost but almost is never enough,” tsika ni Migo.

Kapansin-pansin din sa parte ng babaeng napasama sa Final 14 sina Ayra, Klea, at Koreen na pare-parehong malakas ang dating. Matalo man sila sa finals ng artista search, naniniwala kami na may mararating sa showbiz ang tulad nila.

Tingnan ninyo is Alden Richards na natalo at hindi napasama sa finals, pero ‘eto ngayon na sikat na sikat at pinagkakaguluhan.

Ang pagsali sa Starstruck ay isang tulay lamang para matupad ang pangarap na maging artista. Ang kapalaran na matupad ito ay nasa pagpupursige na rin nila, ‘di ba?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo