Sheryl Cruz, focus muna sa pagkanta at negosyo sa pagtatapos ng “Buena Familia”

ADVERTISING

Sheryl Cruz, focus muna sa pagkanta at negosyo sa pagtatapos ng "Buena Familia"

Sheryl Cruz, focus muna sa pagkanta at negosyo sa pagtatapos ng "Buena Familia"Nalulungkot daw ang mahusay na singer at actress na si Sheryl Cruz dahil malapit nang mamaalam sa ere ang kanilang top-rating soap na “Buena Familia” na ilang beses ding na-extend.
“Nakalulungkot lang, John. Kasi sa bawat pagtatapos naman ng mga soap na kinabibilangan ko, ‘yun lagi ‘yung pakiramdam.
“Nasanay na kasi ako na almost every other day ay nagkikita-kita kami para magtrabaho. Parang pamilya na ‘yung turingan namin. Kaya ‘di maiiwasan na malungkot kami pare-pareho.
“Pero happy na rin kami, kasi ilang beses ding na-extend ang ‘Buena Familia’.”
Mami-miss daw nito ang kanyang co-stars mula kina Angelu de Leon, Sunshine Dizon, Julie Ann San Jose, Julian Trono, Kylie Padilla, Jake Vargas, atbp., sampu ng kanilang director at production staff.
Umaasa nga si Sheryl na after Buena Familia, mabibigyan siya muli ng Kapuso Network ng panibagong trabaho.

Pero habang naghihintay raw siya ng bagong work, pagtutuunan muna niya ng pansin ang kanyang hilig sa pagkanta at ang kanyang negosyo.
UpgradeUpgrade, pinakamabentang group endorser sa bansa

CONSISTENT PA rin pagiging pinakamabentang endorsers among boy group sa bansa ang most awarded boy group at tinaguriang ‘Trending Cuties’ na Upgrade na kinabibilangan nina Casey Martinez, Rhem Enjavi, Miggy San Pablo, Armond Bernas, Raymond Tay, Mark Baracael, at Ivan Lat.
Ilan nga sa endorsement ng grupo ang HEA Watches, Cardams Shoes, Royqueen Gadgets, Aficionado Germany Perfume, at YSA Skin and Body Experts. Naging endorser din sila ng MyPhone, Headway Vera  Salon, atbp.
Dagdag pa ito ang individual commercials ng grupo like Master Facial Cleanser ng isa sa member nito na si Mark Baracael, kasama si James Reid na patok na patok sa mga manonood.
Busy rin ang grupo sa paglilibot nila sa iba’t ibang malls. Kaya naman para sa updates sa kanilang gigs at latest videos, bisitahin lang ang kanilang social media accounts (Facebook, Instagram, Twitter, YouTube) at i-type lang ang Upgrade Official.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING