Sheryl Cruz, dinaig ang ibang sigers; may hit song na sa Japan

Sheryl Cruz, dinaig ang ibang sigers; may hit song na sa Japan

Sheryl-CruzTULUY-TULOY NA raw ang pagpunta sa Japan ng actress/singer na si Sherly Cruz para mag-promote ng kanyang album, lalung-lalo na ang kanyang hit single na “Mananatili ” na ngayon ay meron nang Japanese dance version na hit na hit sa Japan ngayon  na siyang priority na i-promote ni Sherly sa Japan.
Kuwento nga ni Sheryl, “Siguro this month baka pumunta ako ng Japan to promote my album at ‘yung single ko na “Mananatili ” na ginawan ng Japanese dance version sa Japan, at ‘yun ‘yung single na ipo-promote ko roon.
“Sana katulad ng pagsuporta ng mga Pinoy sa album ko, suportahan din ng mga Hapon at ng mga kababayan nating naka-base na sa Japan ‘yung album ko.
“Kaya matagal-tagal din akong mananatili sa Japan para i-promote ko yung album ko. Pero pagbalik ko sa Pilipinas, trabaho kaagad at gagawa ako muli ng teleserye at ipagpapatuloy ko ang pagpo-promote ng album ko,” ani Sheryl.
Jim-AcostaProduktong gawang Pinoy, patok na patok sa ibang bansa

HINDI LANG mabenta sa Pilipinas ang mga produkto ng Psalmstre ayon sa CEO /President nito na si Mr. Jaime Acosta sa ginanap na Thanksgiving Party ng Psalmstre, kung saan dumalo ang mga celebrity endorsers at ambassadors nitong sina Stephany Stefanowitz (New Placenta), June Macasaet (Placenta for Men), Ashley Ortega (Olive C), Jon Lucas (Olive C), at Richard Moico (New Placenta for Men) dahil nakape-penetrate na raw ito abroad especially sa Middle East.
Tsika nga ni Sir Jim, mabentang-mabenta sa Middle East at maging sa Amerika at Asya ang New Placenta, Gluthamine, atbp. na pawang produkto ng Psalmstre, kaya naman daw happy siya sa mataas ng sales nito last 2014.
At ngayong 2015 daw, ayon kay Sir Jim, inaasahan nitong mas magiging maganda ang takbo ng kanyang negosyo ‘di lang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa.

KCEE-GreySing For Your Dreams monthy finals, matagumpay na ginanap sa SM Novaliches

NAGING MATAGUMPAY ang December Monthy Finals ng SMAC TV Productions’ Sing for Your Dreams na napanonood sa YouTube Celebrity Channel every Saturday, hosted by Upgrade member KCee Martinez and Grey na ginanap last Jan. 10 sa SM Novaliches.
Bukod sa tatlong naglaban-labang Sing For Your Dreams monthy finalists, naging espesyal na panauhin din ang mga SMAC Talents na sina Chester Chua, Gelica Feliciano, Prince Teodoro, Greco Gonzalo, Carla Zara, Erwin Cadelina, Megan Caguiat, Rain Calaunan, at Cariza llena.

John’s Point
by John Fontanilla