Sheryl Cruz, balik-teleserye

Sheryl Cruz, balik-teleserye

Sheryl-CruzEXCITED NA muling magtrabaho sa isang teleserye ang napakabait at napaka-generous na si Ms. Sheryl Cruz na huling napanood sa teleseryeng Strawberry Lane.
Kaya naman sobrang saya nito nang mapasama sa newest Kapuso soap na Buena Familia, kung saan makasasama nito ang bagong loveteam nina Jake Vargas at Julie Ann San Jose plus Kylie Padilla at Julian Trono.
Bukod sa bagong teleserye, on going pa rin ang promo nito ng kanyang album na “Sa Puso Ay Ikaw Pa Rin, Sheryl Cruz”.

 

Mr-and-Ms-Olive-C-2015Claro Nang-Is ng Baguio at Princess Jayme ng Cebu, tinanghal na Mr. & Ms. Olive C 2015

MULA SA Baguio at Cebu ang nagwagi sa katatapos na Mr. & Ms. Olive C 2015 na ginanap last May 23, 2015 sa SM North Edsa Skydome, Quezon City, hosted by Stephany Stefanowitz and John Nite. Naghandog naman ng awitin ang New Placenta For Men Image Model na si Laurence Mossman, na nag-serenade sa mga kandidata.
Itinanghal na Mr. Olive C 2015 ang pambato ng Baguio (University of Baguio) na si Claro Nang-Is at Ms. Olive C 2015 si Princess Jayme ng Cebu (Cebu Normal University).
1st Runners-Up sina Norecel Mar Ybanez ng Cebu (Cebu Institute and Technology University) at Joshua Marc Lara ng Laguna (Malayan Colleges of Calamba); habang 2nd Runners-Up naman sina Justine Kim ng Antipolo (Our Lady of Peace Antipolo) at si Fevy Marinel Besas ng Quezon (STI College of Lucena).
Naging espesyal na panauhin ang Goodvibes at ang Gimme 5, at namataan naming nanood ang mga Kapuso stars na sina Thea Tolentino, Mikoy Morales, Jazz Ocampo, Juancho Trivino, at ang Mr. Olive C 2012 at Kapamilya star na si Jon Lucas.

John’s Point
by John Fontanilla