Sheree, ayaw nang magpa-sexy!

ADVERTISING

Sheree, ayaw nang magpa-sexy!NAKA-TSIKA KO RECENTLY ang sexy’ng Viva Hot Babe na si Sheree, na ‘misis’ naman ni Gian Magda-ngal. Kapansin-pansin nga ang very revealing outfit ni Sheree. At kaagad naman itong nagpaliwanag, na galing pala siya sa rehearsals niya para sa musical na “Rent” kaya ganoon ang ayos niya. ka-alternate pala siya ni Ciara Sotto sa role ng Mimi.

Ipinakita rin sa akin nito ang mga pasa niya sa braso at meron din daw sa paa. Dahil kina-career din niya ang pagpo-pole dancing para nga sa nasabing role. Na ‘yun daw isang taon o mahigit na pinag-aralan ni Ciara eh, isang araw niyang kinarir kaya nga sige siya ng kapa-practice nito, kesehodang magkapasa-pasa ang katawan niya.

ADVERTISING

Kaya tuwang-tuwa rin ang Sheree dahil may mga tumatawag na raw na stage actress sa kanya ngayon. So, ibig bang sabihin nito eh, tatalikuran na niya ang pagpapa-sexy niya?

“Parang mahihirapan ako, tita. The first time na nag-audition ako for “Rent”, hindi talaga ako tinanggap. Kaya nu’ng second time, I made it a point na ayos ang boses ko. Wala nang yosi, wala na ring inom. Kaya tuwang-tuwa ako nu’ng makuha ko ang part.”

Napanood daw siya ng ma-nager na si Arnold Vegafria at nang tanungin siya kung meron siyang manager at nasabi niyang wala, dahil tapos na ang kontrata niya sa Viva, kinuha na siya nito. Pero ang sabi nga raw ni ALV, maraming kailangang i-repackage sa kanya kaya hindi na siya p’wedeng makitang kung anu-anong super pa-sexy outfits ang nakikita kapag lumalabas siya.

ADVERTISING

Nang matikman naman ni Sheree ang disiplina sa entablado, nagustuhan niya raw ito talaga. Kaya karir na karir na sa kanya ang pagdalo sa rehearsals at pagdisiplina nang todo-todo sa sarili. In fact, may moments nga raw na ito ang pinag-aawayan nila ni Gian. Dahil ito ang mas nale-late sa kanilang dalawa. Pero hindi naman daw porke isa na siyang certified o legitimate stage actress sa panahong ito eh, kakalimutan na niya ang pag-arte sa harap ng camera-sa TV at sa pelikula. Maghahanap na lang daw sila ng mas mapaghamong mga roles ng kanyang bagong manager.

Ang sigurado raw na hindi na niya masasalangan eh, ang pagpo-pose sa mga sexy men’s magazines. Dati raw kasi eh, nag-offer na rin sa kanya ang isang sikat na men’s magazine (Hustler ba ito?) at tinanggihan na niya.

Hindi naman kaila na nai-pac-kage din bilang isang mahusay na singer si Sheree kaya nga siguro nang inayos niya ang disiplina sa sarili, nakita ng mga bumubuo sa musical na “Rent” ang potensiyal niya sa pagkanta. Magkakaroon na ba siya uli ng solo album niya? Dahil ang karamihan sa mga nagawa niya eh, kasama pa ang kapwa niya Viva Hot Babes.

“Eventually, tita. Natutuwa lang ako ngayon dahil nakikita ko na ang mga plans ni ALV for me. Dahil most of his talents nga raw ngayon eh, puro pambida, ako naman ‘yung isasalang niya for kontra-bida roles.”

Sa hitsura ni Sheree ngayon, hindi nga ito pagkakamalan na may three-year old baby na.

Tinutukso na nga namin ito na baka sa susunod na makita namin siya eh, naka-turtle neck na siya at very conservative na ang mga kasuotan.

“True, tita. Parang hindi ko ‘ata kaya. Eh, ngayon, galing ako ng rehearsal kaya may excuse ako na ganito ang suot ko. Sa mga susunod na days, ewan ko lang. Unti-unti siguro. Iniisip ko na lang na oo nga, stage actress na pala ako.”

In fairness, maganda ang review kay Sheree sa “Rent”!

Sheree, ayaw nang magpa-sexy!

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING