Sheena Halili, Won’t Go Topless Because She’s Still A Virgin?

ADVERTISING

Sheena Halili, Won’t Go Topless Because She’s Still A Virgin?

Sheena Halili, Won’t Go Topless Because She’s Still A Virgin?Sheena Halili, Won’t Go Topless Because She’s Still A Virgin?
NAGING ISYU NA
ang pagta-topless nina Marian Rivera sa Amaya, huh! Sabi naman ng aktres na kung sakaling kailangan na niyang mag-topless, gagawin daw niya ‘yon dahil kailangan talaga sa kuwento at hindi para ibenta sa mga manonood.

ADVERTISING

Nagawa na naman daw niyang mag-topless sa Dyesebel, kaya okay lang sa kanya ‘yon ngayon. Pero ang pagkakaalam daw ni Marian, hindi siya magta-topless dahil prinsesa siya sa kuwento.

Kaya lang, medyo asiwa ang ibang cast sa pagta-topless at isa na rito si Sheena Halili. First time pa lang pala kasi niyang gagawin ‘yon. Asiwa raw talaga ito dahil virgin pa siya. Hindi pa raw nito kaya ang gagawin sa bagong epicserye ng GMA-7.

Nandiyan si Marian na handang ipagtanggol ang kaibigan, sabi nga niya na kung hindi talaga kaya ni Sheena, puwede naman daw nitong sabihin sa production at hindi ito ipipilit sa kanya.

ADVERTISING

“Ang sabi ko nga sa kanya, nandito ako para suportahan siya. Kung talagang naiilang siya sa costume niya, sabihin lang niya, kasi, mabait naman ang production at maiintindihan naman nila ‘yon,” sey pa ni Ma-rian.

“Tutulungan ko naman sila na makaya nila. Ang sabi ko nga nung nagsalita ako sa set, gusto ko sana, eh magtulungan ka-ming lahat, kasi, hindi mabubuo ng maganda ang Amaya kung ako lang. Kailangan ko sila,” dagdag ng aktres.

Naloka naman ako sa sobrang hectic ng schedule ni Marian. Katatapos lang niya ng Bampirella na magsisimula na sa Sabado at nagti-taping na siya sa Amaya. Sisimulan na rin niya ang Temptation Island na sa Ilocos pa yata ang shooting. Kaya ilang araw lang daw ang maibibigay niya sa pelikulang ‘yon. Meron pa siyang Show Me Da Manny.

Pagkatapos pa niyan, sisimulan na rin ang Panday 2 na pagsasamahan nila ni Sen. Bong Revilla. Siyempre, excited ako sa Panday 2 dahil ako talaga ang nagkumbinse kay Marian na tanggapin niya ang project.

NAKU! ITO PALANG anak-anakan kong si Enzo Pineda, mukhang nai-in love na, huh! Panay daw ang dalaw nito sa bida ng Alakdana na si Louise delos Reyes.

Mukhang type naman siya ni Louise, pero hanggang friends pa lang daw sila. Pero ewan ko lang, huh?

Nung nabalitaan daw ni Enzo na hinimatay minsan si Louise sa mall show ng Alakdana, lagi na niya itong dinadalhan ng pagkain. Karamihan pa sa mga pagkaing dinadala niya, siya mismo ang nagluluto. Kaya tingin ko, hindi lang basta friends ‘yan, ‘di ba?

Hindi naman puwedeng umamin ngayon si Louise dahil may Alakdana siya at sina Paulo Avelino at Alden Richards ang leading men niya rito. Wala naman si Enzo, ‘no!

Paano na nga pala si Sarah Lahbati?

Ang dinig ko naman, hanggang friends lang daw talaga sila at walang romantic churva!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING