Sheena Halili may realizations tungkol sa pagiging ina

MATAGAL-TAGAL na rin natin hindi napapanood ang ‘bestfriend ng bayan’ na si Sheena Halili. Pagkatapos nitong magpakasal at magbuntis ay pinili muna nitong magconcentrate sa kanyang family life. Isa pa, risky din na bumalik kaagad sa pagtatrabaho ang isang ina habang ongoing pa ang pandemic.

Sheena Halili may realizations tungkol sa pagiging ina
Sheena Halili

Sa kanyang latest Instagram post ay inamin ni Sheena na may mga araw na she is ‘envious’ kapag nakakakita ng mga kapwa celebrity moms na napakaganda pa rin tingnan sa social media. Sa picture na nakalakip ay wala itong bahid ng makeup halos at naka-loungewear lamang, pero litaw pa rin ang kanyang natural na ganda.

Sulat niya, “Habang inggit na inggit ako sa mga nanay na napakaganda ng pictures sa social media. Ganitong ganda na muna ang hatid ko sa inyo. Gandang lumalaban sa puyat at pagod at hirap ng pag-iisip anong uulamin namin next week, anong mga dapat i-online grocery.

“Gandang isip ng isip paano mapapaluwag ang bahay namin dahil napakalikot na ng anak ko, anong activity at pagkain ng anak kong gusto ng blw at nagpaka-montessori approach.”

Sinabi din niya na namamaga pa rin ang kanyang wisdom tooth extraction at ginamitan nya ng hashtag #gandanglumalaban.

“Gandang nagdadasal na sana ‘wag munang magising si Martina at magkakape muna ako ng mainit.

“Haha nakakatawa na INA-appreciate ko ang sarili ko dahil sa totoo lang, ngayon lang ako nagmahal, nagtiis, at naging dedicated sa ginagawa ko.”

Wish din ni Sheena na sana’y patapos na ang global pandemic para bumalik na sa normal ang lahat.

Maraming momshies naman ang naka-relate sa sentimyento ni Sheena at pinuno nila ng encouraging words ang comments section nito.

Ipinanganak ang kanyang Baby Girl Martina noong December 21, 2020. Huling napanood si Sheena sa Kapuso TV show na ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ bago nagkaroon ng pandemya.

 

Previous articleThings You Didn’t Know About Kat Galang
Next articleCLOSURE AFTER 12 YEARS: Ryan Bang, minaliit ang sarili kaya hininto ang panliligaw kay Yeng Constantino