Shayne Sava nagpapatayo na ng bahay para sa pamilya

TATLONG TAON matapos tanghalian bilang Ultimate Female Survivor ng Starstruck 7, mabagal man ay unti-unti nang naaabot ni Shayne Sava ang kanyang pangarap na makapagpagawa ng sariling bahay.

Ito ang masayang balita ng dalaga sa panayam sa kanya ng 24 Oras kamakailan. Hindi naman lihim sa mga tagahanga ni Shayne na bago ito sumalang sa showbiz ay nangungupahan lang sila at hirap din sila sa buhay.

Shayne Sava nagpapatayo na ng bahay para sa pamilya
Shayne Sava

“Ayun po ‘yung isa sa very kinikilig ako kasi finally mayroon na akong sariling bahay.

“Siyempre, pinapagawa pa po ngayon so hindi pa po kami makakalipat. Pero ayun po, very thankful po talaga ako sa lahat ng sumusuporta sa akin,” masayang balita ng rising star ng GMA.

Hindi rin daw gumagastos si Shayne kung hindi naman kailangan. “Ito po ‘yung mga naipon ko na sa mga projects.

“‘Yung napanalunan ko po sa StarStruck, nagamit ko na ‘yun during pandemic kasi siyempre walang work, natengga tayo for ilang months,” saad niya.

Ang Legal Wives ang unang drama series na gumanap si Shayne bilang Jamilah. Marami ang nakapansin ng kanyang kakayahan sa pag-arte lalo na’t may parte sa serye kung saan naging kontrabida rin ito. Napansin din ang chemistry nila ng kanyang current onscreen partner na si Abdul Raman, na galing din sa Starstruck.

Ngayon ay tinatawag na ‘GMA Afternoon Drama Princess’ si Shayne dahil namamayagpag ngayon sa ratings ang programa nila ni Ai Ai Delas Alas at Abdul Raman na ‘Raising Mamay‘. In a way ay parang naging ‘nanay’ na rin niya ang Comedy Queen ng bansa.

“Binibigyan niya ako ng fruits, ng mga watermelon kasi parehas po kaming mahilig sa mga prutas.

“Parang nanay po talaga siya sa akin. Until now, nagkukumustahan kaming dalawa. Sobrang thankful po talaga ako na nakilala si Mamay in person,” nakangiting kuwento ni Shayne.

Shayne Sava nagpapatayo na ng bahay para sa pamilya
Shayne Sava and Abdul Raman

Samantala, noong Sunday morning ay pinalabas sa Regal Studio Presents ang nakakakilig na romance comedy episode na ‘Dear Prince Charming‘, na for a change ay nagpatawa at nagpakilig sila ni Abdul Raman. Aliw na aliw kami sa nakakabatang kulitan ng dalawa na ang wish namin ay i-consider ng GMA at Regal na gawan ito ng mini series tulad ng pagsuporta nila sa tambalan nina Allen Ansay at Sofia Pablo, na napapanood ngayon sa ‘Raya Sirena’.

Goodluck and congratulations, Shayne Sava!

Previous articleZanjoe Marudo, ‘pinagod’ nina Kylie Verzosa, Lara Morena at Cara Gonzales sa pelikula
Next articleAngeli Khang at Janelle Tee, patalbugan sa pagpapaseksi sa ‘Pusoy’