Shayne Sava at Abdul Raman, magpapakilig sa ‘Regal Studio Presents: Dear Prince Charming’

UMAARIBA NA ang pag-groom sa Starstruck 7 graduates na sina Shayne Sava at Abdul Raman. Kung noon ay marami ang nagsabing ‘naantala’ ang pagsikat ng mga artistang nadiscover sa Starstruck ay mukhang bumabawi ang GMA ngayon.

Sa Starstruck 7 pa lang ay nakitaan na agad ng chemistry ang Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava sa avenger na si Abdul Raman. Balita nga namin ay sa ‘pang-aasar’ diumano nag-umpisang mapansin ang potential loveteam nila, na ngayon ay isa sa limang Sparkle loveteams na pinupush ng GMA.

Shayne Sava at Abdul Raman, magpapakilig sa 'Regal Studio Presents: Dear Prince Charming'
Shayne Sava and Abdul Raman

Pagkatapos ng supporting roles nila sa Legal Wives noong nakaraang taon, every afternoon na tayo pinapaiyak at pinapakilig ng AbDayne sa ‘Raising Mamay’.

The time has come na mag-romcom naman ang dalawa! Sila ang bida sa May 22 episode ng feel-good anthology show ng Regal at GMA na ‘Regal Studio Presents’ na pinamagatang ‘Dear Prince Charming’.

Kuwento ito ni Kyla, isang teenager na sabik sa pagdating kanyang ina na nagtrabaho sa Abu Dhabi bilang nanny. After so many years ay nagdesisyon na itong umuwi for good para asikasuhin na ang kanyang mahal na anak.

Ang kaso, biglang sumunod ang Arabo na alaga nito sa Abu Dhabi na ang pangalan ay Prince! Gusto niya raw makita ang kanyang dating yaya bago ituloy ang kanyang backpacking trip.

Dahil dito ay magiging possessive ang dalaga sa kanyang ina. Ano kaya ang mangyayari kina Prince at Kyla? Magiging aso’t pusa ba sila, o may ‘something’ ba na madedebelop?

 

Kasama rin sa episode sina Sue Prado, Mikoy Morales at Tony Lopena

Trailer pa lang ay nakaramdam na kami ng young love kilig! Mapapanood na ang ‘Dear Prince Charming’ ngayong Sunday, May 22 at 11:35am sa GMA pagkatapos ng Raya Sirena.

Previous articleThings You Didn’t Know About Le SSerafim
Next article6 Julie Anne San Jose songs you should listen to