Shaun Salvador, inuulan ng projects dahil sa “ParangNormalActivity”

Shaun Salvador, inuulan ng projects dahil sa “ParangNormalActivity"

Shaun Salvador
Shaun Salvador

Pagkatapos mag-click sa hit teen show ng Ideal First na “ParangNormalActivity” na napanonood tuwing 7 pm ng Sabado sa TV5, nagkasunud-sunod na ang proyektong ginagawa ni Shaun Salvador, or Third sa nasabing show na ka-love team ni Ella Cruz.
Bukod sa dalang commercial nito na umeere sa telebisyon na siya ang bida (Chippy at Sprite), isa na rin ito sa brand ambassador ng Ysa Skin and Body Experts at Mario D’Boro. Kaya naman daw nagpapasalamat si Shaun sa may-ari ng Ysa na sina Ms. Sheila Nazal at Sir Robert Nazal at sa marketing head nito na si Ms. Anne Navarro.

Pasasalamat din ang gustong ibigay ni Shaun Salvador kay Ms. Nancy Ong, owner ng Mario D’Boro at kina Ms. Cristine Ng at Ms. Chrishel.
Nagpapasalamat din ito sa mga taong walang sawa at patuloy na nanonood ng kanilang show.

John’s Point
by John Fontanilla