Shaun Salvador, crush ang Twerk Princess na si Ella Cruz

Shaun Salvador, crush ang Twerk Princess na si Ella Cruz

Shaun-SalvadorMASAYA ANG isa sa cast ng #ParangNormalActivity na napanonood tuwing Sabado ng 8 pm sa TV5 na si Shaun Salvador sa magandang ratings ng kanilang teen horror show at sa dagsa-dagsang taong pumupunta sa kanilang mall shows.

Tsika nga ni Shaun, “Happy po kami lahat ng mga kasama ko sa #ParangNormalActivity. kasi bukod sa nasa Season 2 na kami ay may bonus pang Season 3.

“Thankful kami sa mga taong patuloy na sumusubaybay sa #ParangNormalActivity tuwing Sabado ng gabi. Dahil sa kanila, mas lalong tumataas ang ratings ng show namin.

“Kung hindi sa mga taong nanonood ng shows namin hindi kami aabot ng Season 2 at may Season 3 na ngang plano, kaya naman mas nai-inspire kami na mas pagandahin pa ang bawat episode.”

Nagugulat din daw si Shaun at iba pang casts sa dami ng mga taong pumupunta sa kanilang mga mall shows. “Nagulat nga kami kasi hindi namin inaakala na ganu’n na karami ‘yung nanonood sa amin sa dami ng mga taong pumupunta ng mall shows namin, kung saan mostly ng pumupunta, mga kasing edad namin, kaya nga nagpapasalamat kami sa kanila.”

Hindi naman daw nito itinatago ang kanyang paghanga sa kapartner sa show na si Ella Cruz, kung saan #Chathird ang pangalan ng kanilang tambalan. “‘Di pa po ako artista, napanonood ko na siya (Ella). Crush ko siya, pero crush lang muna. Hahaha! Kasi kailangan munang mag-concentrate sa work.

“Pero nagagandahan talaga ako sa kanya, masuwerte nga ako kasi siya ‘yung naka-partner ko. Kasi bukod sa magaling siyang sumayaw , magaling pa siyang umarte. Tinuturuan nga niya ako. Hahaha! Pero hindi talaga ako marunong sumayaw.

“Nakakatuwa lang kasi may mga taong gusto ‘yung loveteam namin at sinasabi nila sa social media na kinikilig sila sa amin. Sana lang, tumagal ‘yung tambalan namin. Sana, hindi lang pang-TV, makagawa rin kami ng pelikula na magkasama o mas maganda kung kaming buong casts ng #ParangNormalActivity.

John’s Point
by John Fontanilla