Sharon Cuneta, very positive na ang outlook sa buhay

ADVERTISING

Sharon Cuneta, very positive na ang outlook sa buhay

Sharon Cuneta (Before & After)
Sharon Cuneta (Before & After)

Nice to read sa Facebook account ni Megastar Sharon Cuneta na very positive na ang kanyang outlook.

Deadma na siya sa mga bashers na walang ginawa kundi manira ng good and positive moods niya at ng lahat.

Sa kanyang posting last Monday (July 4) napangiti ako sa kanyang sinulat: “Last week I was brushing my teeth, tapos may narinig ako, sabi niya, “Psst…payat!” Asawa ko. Kawawa naman ngayon lang ulit niya nasabi ‘yun after so many years. Hahaha! “

Looking Shawie’s latest photo (before and after) which was taken only last week (which is first week of July), ang laki na nang ipinayat ni Sharon.

ADVERTISING

Look at her face, super payat na. Ready na talaga si Mega na isalang sa isang solo show.

Pag-a-update ni Mega sa kanilang kids talent show nina Lea Salonga at Bamboo na napanonood every weekend: “Hi, everyone! Been taping almost every day for TVK3 (The Voice Kids S3) and my emotions have been on a roller coaster ride (one with huge loops!). I have fallen in love with my kids on Team Sharon/Tala (Team Tala is the name my Sharonians here – Onliners and Jheck – came up with. Kasi daw the characters I played in my three “tala” movies – “Bukas Luluhod ang mga Tala,” “Bituing Walang Ningning,” and “Sana’y Wala Nang Wakas” – all had the dream of making it big as singers in showbiz, kaya bagay sa TVK3 kids! They are all my mga “tala.”);and ang hirap pala talaga pag kailangan nang pumili! What you see on TV every weekend are still the blind auditions but we are so far ahead in real life na. Later, mukhang babaha na naman sa studio sa tears ko. Haaayyy…

“Thanks so much for the ratings you give us every week. Please continue watching us on TVK3 because it’s going to get more exciting as the weeks go by! Have a great week ahead! God bless you all and lots of love always,” pagkakasulat niya sa kanyang FB.

Give Sharon another month, I’m sure ready na ready na siyang makipagtalbugan sa isang teleserye sa Kapamilya Network or a film sa Star Cinema.

Aminado ako, isa ako sa mga excited sa pagratsada ni Shawie muli sa showbiz at hindi lang itong talent show on weekend.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING