Sharon Cuneta, umalis na ng bansa for the USA

ADVERTISING

Sharon Cuneta, umalis na ng bansa for the USA

Sharon Cuneta, umalis na ng bansa for the USA
Sharon Cuneta with Richard Quan on the set of ‘Ang Pamilyang Hindi Lumuluha’, a Cinemalaya 2017 entry

YESTERDAY WEDNESDAY ay umalis na ng Pilipinas si Sharon Cuneta patungong Amerika for her series of shows and concerts.

 
Sa katunayan, nagpost pa siya ng picture nila magpamilya kasama ang apat na anak at mister na si Sen. Kiko Pangilinan onboard the plane na magdadala sa kanila sa Los Angeles, California na siyang unang stop nila sa kanyang series of show sa mga Pinoy sa Amerika.
 
Almost 5 weeks sa US si Shawie kaya nga bonding time  na rin ito ng kanyang pamilya.
 
 
Susunod naman ang anak na si KC Concepcion para kumpleto ang vacation ng pamilya. In between shows ay maglalakwatsa sila.
 

For a while ay naging busy ang Megastar sa kanyang schedule. Tinanggap niya ang Cinemalaya 2017 film na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha. Ito ang magsisilbing comeback film ni Sharon bilang aktres dahil almost 8 years din siyang nabakante sa pag-arte. Huling movie na ginawa niya ay way back in 2009 for Regal Films’ Mano Po 6. Sa August 4 to 13 ang schedule ng Cinemalaya 2017 at mapapanood naman ang mga entries sa CCP theaters at Ayala Cinemas.
 
Sharon Cuneta, umalis na ng bansa for the USA
Sharon Cuneta-Pangilinan and her family bound to America

Kasama ni Sharon sa US show niya ang kanyang manager na si Sandra Chavez at musical director na si Louie Ocampo for her Sharon Cuneta The Mega Tour 2017.

 
Sa first leg ng concert series ni Mega ay magsisimula sa Friday, June 15 sa Chumash Casino sa Sta. Inez, CA; June 17 at James Logan High School sa Union City; June 24 at Alex Teater in Glendale, CA with Ian Veneracion and Antonette Tismo of the Voice Kids as special guests.
 
More schedule of her 2nd leg in out next update kay Mega.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING
ADVERTISING