Sharon Cuneta, tinanggihan ng TV host-comedian na mag-guest sa bagong show!

ADVERTISING

Sharon Cuneta, tinanggihan ng TV host-comedian na mag-guest sa bagong show!

Sharon Cuneta, tinanggihan ng TV host-comedian na mag-guest sa bagong show!

ADVERTISING

NOT SO blind item: Walang dudang may brilyo ang konsepto para sa pilot episode ng show ni Sharon Cuneta sa TV5, ang Sharon: Kasama Mo, Kapatid.

Inilayn-up kasi ng production staff ang isang sikat na TV host-comedian na malapit sa puso ng megastar, mismong request daw ‘yon ni Sharon. To easily facilitate his guesting, mismong si Sharon na raw ang naglambing sa kanyang nais gawing panauhin sa kanyang buena manong episode.

Kaso, Sharon got an outright no answer, not at this time daw, ayon sa kanyang iniimbitahang guest. Katwiran ng TV host-comedian, ayaw raw niyang maipit sa tumitinding isyung kinapapalooban ni Sharon at ng tiyahin nitong si Helen Gamboa, himself one of the closest to the latter’s husband.

ADVERTISING

Hindi na raw maubos-maisip ng TV host-come-dian na umabot sa ganitong punto ang sumbatan ng magtiyahin sa isa’t isa over politics, bagay na ayaw na raw niyang gatungan pa given his sense of loyalty to Helen more than to Sharon.

 

HER PALAWAN-BASED parents siyempre ang unang pinagsabihan ni Katrina Halili ng tungkol sa kanyang pagdadalantao courtesy of her off-and-on boyfriend Kris Lawrence.

Pero sa halip daw na ipilit ng mga ito na pakasalan ang kanilang anak, hindi raw dahilan ang pagbubuntis ng sexy actress para maganap ‘yon. Sa ngayon, tatlong buwan nang infanticipating si Katrina who wishes to bear a baby girl.

Her condition must keep Katrina’s relationship with Kris more stable. Kung dati-rati’y parang power switch lang ang kanilang relasyon, both have to consider an innocent being’s welfare.

Magandang pagbabago ito sa buhay ni Katrina na dumaan sa isang matinding pagsubok that almost cost her career.  Binigyan siya ng second wind ng GMA that also discovered her, and now it’s her baby-to-be that will totally change her life, hopefully for the better.

Ang maganda kay Kris, he is not wont to deny any responsibility for his actions kung paanong kapuri-puri rin ang kagalakan ni Katrina who will be a proud mom six months from now.

 

SINUSULIT NG Face To Face ang kanilang kauna-unahang Cebu invasion kaya naman sa ikatlong sultada nito sa Barangay San Roque roon ngayong Biyernes, hatid nito ang kuwentong Tan-ders Na Kantatero, Pinag-aagawan Ng Kumares Trio!

Isang musikero si Armando na kinahumali-ngan ng magkukumareng sina Linda, Leonor at Nida. Kantatero ang bansag kay Armando, baka naman “take away a vowel and change it to another vowel in the word” kung bakit hinahabol siya ng tatlong hitad na ito?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING