Sharon Cuneta, tatakbong mayor ng Pasay?

Sharon Cuneta, tatakbong mayor ng Pasay?

1 Sharon-CunetaITINANGGI NI Sharon Cuneta sa kanyang Facebook account na magiging comeback movie niya ay base sa buhay ni Janet Napoles dahil wala pa naman daw siyang natatanggap na offer. Maging ang tungkol sa anak niyang si KC Concepcion na gaganap raw na anak niya sa nasabing movie ay hindi rin totoo.

Totoo na may gagawin siyang movie na naka-standby sa isang movie outfit na pinagkakatiwalaan at nirerespeto niya. Pero hindi ito ang pagsasapelikula ng buhay ng controversial na nilalang na nakakulong pa rin hanggang ngayon.

Sabi nga ng Megastar sa kanyang FB, “No one has spoken to me about this, and this is totally untrue. I have already a comeback project waiting.”

Tungkol naman sa kanyang TV career, inamin ni Sharon na may lilipatan na siyang network matapos niyang umalis last year sa TV5. Pero wala siyang kinumpirma kung sa ABS-CBN or sa GMA 7 siya lilipat, kahit na malakas ang bulungan na magiging Kapamilya siya uli.

Sa ngayon ay marami na ang naghihintay, lalo na ng mga Sharonian sa pagbabalik ng Megastar sa TV at pelikula.

Samantalang wala ring kumpirmasyon kay Sharon at sa kampo nito na papasukin na ng Megastar ang politics.

Kumalat kasi ang balitang tatakbong Mayor ng Pasay City ito at ang magiging ka-tandem ni Megastar ay ang kasalukuyang vice-mayor ngayon ng Pasay.

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo