Sharon Cuneta, susulitin ang P1-B kontrata sa TV5!

ADVERTISING

Sharon Cuneta, susulitin ang P1-B kontrata sa TV5!

Sharon Cuneta, susulitin ang P1-B kontrata sa TV5!MARAMI TALAGA ANG naintriga sa isang bilyong kontrata ni Sharon Cuneta sa TV5.

Ayaw sagutin ‘yun ni Sharon, pero nagpapasalamat siya sa Kapatid Network kung ‘yun nga ang tingin nila na halaga nito.

Bongga naman talaga si Boss Vic del Rosario mag-close ng deal kaya nakuha niya nang ganu’n kabongga ang kontratang pinirmahan ni Sharon.

Siyempre, nag-compute agad kami kung magkano ang makukubra niya monthly na tumataginting na mahigit 16 milyong piso. Imagine kumikita si Sharon ng 8 milyong piso every pay day? Bongga ‘di ba?

ADVERTISING

Marami namang puwedeng abangan kay Sharon sa paglipat niya sa TV5. Isa na nga rito ang pagsasama nila ni Gabby Concepcion sa isang pelikula. Meron pa nga raw na pagsasamahan nila ni Aga Muhlach.

Pero ang programang gagawin niya sa TV5 ay isang daily talk show raw na mala-Oprah at isang talent-reality search na ihu-host niya. Bagay naman ito kay Mega kaya sana maganda ang kalalabasan nito at sana pumayat pa siya, ‘no!

 

NALOKA ANG ALAGA kong si Shalani Soledad dahil inipit-ipit namin sa Wil Time Bigtime nu’ng kamakalawa ng gabi kung kailan na talaga ang kasal nila ni Cong. Roman Romulo pero ayaw talagang sumagot.

Ngiti lang ang sagot sa amin nang binuking ko na January ang kasal nila na gaganapin sa Tagaytay. Ang dinig ko nga January 22, pero ayaw talagang sagutin ng alaga ko. Ia-announce naman daw nila ‘yun sa Wil Time Bigtime ‘pag kumpleto na ang lahat na detalye.

Basta sinabi ko na lang kay Willie Revillame na sa bahay niya sa Tagaytay kami mag-i-stay para hindi kami mahirapan ‘pag dumalo na kami sa kasal na ‘yun.

Inaayos naman daw nila ito ngayon, pero ang gusto nila, sasabihin na nila lahat kapag okay na okay na talaga.

Kaya ako nakapunta sa Wil Time nu’ng Miyerkules, pinuntahan ko kasi roon si Camille Villar na guest co-host ni Willie.

Siya muna ang pansamantalang papalit kay Mariel Rodriguez na nagbakasyon kasama siyempre si Robin Padilla. Siyempre kabado si Camille dahil first time niyang isalang sa hosting.

Pero tingin ko, mas kabado si Sen. Manny Villar dahil talagang pumunta ito sa studio para bantayan ang anak niya. Nandu’n din nga si Cong. Mark Villar na all-out din ang suporta sa kapatid niya.

Sabi naman ni Sen. Villar, okay na raw sa kanya ang ganu’ng hosting, pero ayaw raw niya talaga na pasukin nito ang pag-aartista. Tama na raw na guesting lang muna dahil nakikita naman niyang hindi pa talaga sanay si Camille sa showbiz.

Pero sa totoo lang, lalong gumaganda si Camille at charming siya, huh! Kaya nagustuhan ito agad ng mga tao.

 

Mga Mata ni Lolita

by Lolit Solis

ADVERTISING