Sharon Cuneta, super effort para maging size “small”

ADVERTISING

Sharon Cuneta, super effort para maging size "small"

Sharon Cuneta, super effort para maging size "small"
Sharon Cuneta

SUPER EFFORT naman talaga ang ginagawa ni Megastar Sharon Cuneta para ma-reach niya ang kapayatan na tina-target niya.


‘Di nga ba’t noong nasa US siya for her concert  tour, almost every day ay sini-share niya sa kanyang Instagram at Facebook account ang developments ng kanyang pagpapayat na kung follower ka niya, matutuwa ka at nag-aabang ng positive development.
 
 Sa kanyang social media account ay ibinabalita niya na malaki ang pagbawas niya ng timbang.
 
From her biggie size, ngayon ay medium-sized na ang mga damit ng singer-actress.
 
Sa kanyang FB at IG ay ipinahayag nito na gusto niya ma-reach ng size na ‘small’.
 
Pagkakasulat niya: “I’m going for size small but really would like to get to XS – extra small (or over na ba yon? Baka mata at ngipin ko na lang makita niyo!)
 
“Dagdag niya: “No gana lang to eat talaga nowadays… Dami iniisip but at least this weight loss has been one good thing to come out of my concerns and stresses.”
 
Padayon Mega. You look good kahit medium sized ka na. More effort pa.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING