Sharon Cuneta saludo kay Coco Martin: ‘I have nothing but respect for him’

Leo Bukas

SA INSTAGRAM post ni Sharon Cuneta ay hindi niya napigilan ang magbahagi kung bakit labis ang paghanga niya sa FPJ’s Ang Probinsyano actor, writer and director na si Coco Martin.

Puring-puri ni Megastar si Coco sa tindi ng Iba raw talaga ang dedikasyon ni Coco sa trabaho.

Sharon Cuneta saludo kay Coco Martin: ‘I have nothing but respect for him’
Sharon Cuneta and Coco Martin

Ayon pa kay Sharon, malaki ang naibibigay na kaligayahan sa personal na buhay niya at sa kanyang showbiz career ang ipinapakitang magandang halimbawa ni Coco.

“My Coco @cocomartin_ph has given me one of the best and happiest experiences not just of my career but also my life! I seriously love and respect this guy, now more than ever. Brilliant. Kind. Good to everyone.

“Does everything — directs, writes, acts — gives his all for our show and our loyal audience. I have nothing but respect for him,” papuri ni Sharon sa aktor sa kanyang IG post.

Sa naturang post ay nagbahagi rin si Sharon ng larawan nila ni Coco habang mahigpit itong nakayakap sa kanya. Si Sharon ay gumaganap ng karakter ni Aurora sa Kapamilya primetime series na Ang Probinsyano.

Ipinagmalaki din ni Sharon na “Mi” na short for mommy ang tawag sa kanya ni Coco.

“He calls me ‘Mi,’ short for ‘Mommy!’ Pinanganak ko siya nung 12 ako. And I love being his inay!” biro ni Megastar.

“He gave me a new, genuine, loving family by bringing me into our show. And I will always be grateful for that!” dagdag niya.

Hindi naman maiwasan ni Sharon ang mag-alala sakaling magtapos na ang airing ng Ang Probinsyano. Baka raw kasi hindi na maipagpapatuloy ang mataas na standard na nai-set at nasimulan ni Coco sa pagtatrabaho.

“Ang problema ko nga ngayon pano na pag natapos na ang show namin? How will anything else measure up to the standards Coco has set? Waaaaaahhh!!!” bulalas ni Megastar.

“Love you my handsome, smart, hardworking and loving son!” sambit pa ng award-winning actress, singer at TV host.

Previous articleVLOG WATCH: 24 Hours in Dubai with Xian Lim, Jessica Villarubin and Julie Anne San Jose
Next articleCloe Barreto, only choice ni Quinn Carrillo habang sinusulat ang script ‘Tahan’