Sharon Cuneta, sabik nang makagawa ulit ng pelikula

ADVERTISING

Sharon Cuneta, sabik nang makagawa ulit ng pelikula

Sharon Cuneta
Sharon Cuneta

Bilang isang artista, ang gusto lang naman talaga at kinasasabikan ngayon ni Sharon Cuneta ay ang muli siyang makagawa ng pelikula, na medyo hindi pa talaga kaagad matutupad. Pero hindi naman niya ipipilit ang kanyang sarili na sumige na lumabas sa isang pelikula kung nasa kundisyon pa rin siya ng sobrang pagiging malusog ang katawan. Matalinong tao ang Megastar, at alam niya ang kanyang limitasyon. Kaya ang sa kanya lang ay puro muna pagwi-wish na sana lang.

Hindi rin nagpapaapekto si Sharon Cuneta sa salitang laos, na ikinakabit bilang pang-iintriga sa isang celebrity kapag hindi na siya aktibong masyado sa kanyang career. Alam ni Shawie na hindi ibang sikat na artista ang nagpalamlam sa kanyang popularity, kundi iyon ay ang kanyang hindi mapigilang paglusog. Bago siya namahinga sa pagiging aktibo ay maraming nakaplanong pelikula para sa kanya. Nariyan ‘yung balik-tambalan sana nila ni Gabby Concepcion, ‘yung kay Aga Muhlach, ‘yung kay Richard Gomez, at may Vilma Santos pa sana.

Wala nang dapat pang patunayan si Sharon sa showbiz, dahil malayo at matagal ang narating ng kanyang kasikatan. Masaya siya sa piling ng kanyang husband na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan at sa mga anak nilang sila Frankie at Miel, kahit nakabukod sa kanila ng tirahan si KC Concepcion.  Napakayaman ni Shawie para magkumahog na gumawa ng pelikula dahil lang sa talent fee. Ang sa kanya lang talaga ay pananabik na muli siyang umarte sa harap ng kamera ‘tulad ng dati, dahil mahal din niya ang paggawa ng pelikula.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING