Sharon Cuneta sa nagkakalat na patay na si Fanny Serrano: ‘IT IS FAKE NEWS!’

Leo Bukas

NILINAW ni Megastar Sharon Cuneta na hindi totoo ang nagsi-circulate sa social media na pumanaw na ang kaibigan niyang sikat na make-up artist/stylist na si Fanny Serrano. Nagkaroon si TF (short for Tita Fanny) ng massive stroke at binubuhay na lang ngayon ng machine na nakakabit sa kanyang katawan.

“It is fake news,” pagdidiin niya sa IG post. “May malay daw si TF today so I called him and the nice nurse put me on speaker kaya nakausap ko siya kahit di sya makasagot.

Sharon Cuneta sa nagkakalat na patay na si  Fanny Serrano: ‘IT IS FAKE NEWS!’
Fanny Serano and Sharon Cuneta

“Buhay pa siya. And to those who have nothing better to do, this is not the time to be assholes okay? Sorry pero ang sasama niyo!” paglilinaw pa niya.

Sa hiwalay na IG post ni Sharon ay labis niyang ikinalungkot ang pinagdadaanan ng itinuturing niyang nanay-nanayan sa showbiz.

“HINDI KO NA KAYA. Tita Fanny is now on life support… meaning, without all the machines connected to him, he would no longer be able to breathe on his own.

“I do not know what to do with myself.  TF, I promised you years ago that I would take care of you until the end… I think I have kept that promise. But THIS IS NOT the end I want for you… I know it is all God’s call and His decision, but I wish you weren’t in this situation. I truly have no words to say… There are just no words for how painful this is for me and the others who love you.”

Humingi naman  ng paumanhin si Megastar na hindi pa niya nadadalaw sa ospital si TF.

“Bakit naman ni hindi tayo puede magkita ngayon pa? Puede mo ba ako hintayin na mayakap at mahalikan at ipaalala sayo gaano kita kamahal? Para na kitang Nanay… I love you so much…

“Bakit naman right after Rocky’s passing ikaw naman ang nasa peligro agad ngayon? Bakit ba yung mga pinakamahal ko o tumatak sa puso ko, kayo ang umiiwan sa akin in these past couple of years lang?”malungkot niyang post.

“PAGOD NA PAGOD NA AKONG NAWAWALAN NG MAHAL SA BUHAY. Huwag muna po sana, Lord,” dasal ng Megastar.