Sharon Cuneta, pipilitin nang magpapayat

ADVERTISING

Sharon Cuneta, pipilitin nang magpapayat

Sharon-CunetaNATUWA KAMI nang sabihin ni Wenn Deramas na excited siyang muling idirek si Sharon Cuneta. Nakausap na ng box-office director si Vic del Rosario at payag naman ito about the movie project na gagawin ng Megastar sa Viva Films. Ngayong nakabalik na ng ‘Pinas ang singer-actress-TV host, I’m sure nagkausap na sila ni Direk Wenn kung anong klaseng pelikula ang gagawin nila together.

Nu’ng huli namin makausap si Direk Wenn, sinabi nito gustong niyang kausapin nang masinsinan si Sharon, close door meeting na silang dalawa lamang. Walang alipores na nakabantay sa totoong multi-media actress. Heart to heart talk para malaman ni Direk Wenn kung ano ang saloobin ng magaling na actress-singer.

Gusto ni Direk Wenn na magpapayat ang Megastar bago nila simulan ang pelikula. Last Monday, nabasa namin sa Facebook account ni Sharon, sinabi nito this time, pipilitin na niyang magbawas ng timbang dahil na-realize niyang limited lang ang role na p’wede niyang gawin kung mataba siya. Ayaw niyang mangako dahil minsan na nga nitong sinabi sa The Biggest Loser na sasabay itong magpapapayat tulad ng mga contestant na hindi naman nangyari. Hinayaan kasi ang sarili tumaba nang tumaba hanggang nahirapan na ang Megastar na magbawas ng timbang.

Lahat kaming nagmamahal kay Sharon Cuneta ay excited sa bagong challenges sa kanyang buhay. Nangangarap din kaming makita ang bagong development sa kanyang physical look na alam naming makakayan niyang gawin. Magbubunyi ang mga fans, supporters at mga kaibigan ng Megastar kapag nangyari nga ang matagal na naming pinapangarap na maging slim (kahit kaunti lang) uli siya at magampanan ang iba’t ibang role na babagay at hahamon sa kakayahan niya as an actress. We love you Shawie… kaya mo ‘yan.

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING