Sharon Cuneta, perfect choice bilang kapalit ni Sarah Geronimo sa “The Voice Kids”

ADVERTISING

Sharon Cuneta, perfect choice bilang kapalit ni Sarah Geronimo sa "The Voice Kids"

Sharon Cuneta
Sharon Cuneta

Bongga at puro positive ang feedback kay Sharon Cuneta bilang bagong coach sa “The Voice Kids” season 3 na nagsimula nang umere last week. Panay ang puri sa kanya ng netizens sa social media.

Ang ganda rin ng rapport niya with other coaches ng “The Voice Kids” na sina Lea Salonga and Bamboo.

Kuwela rin at havey ang mga hirit at punchline ng Megastar. Maging ang reaksyon niya nu’ng aksidenteng nag-360 degree turn ang kanyang red chair para sa isang contestant ay naging comedy ang dating.

Nagawa pa niyang magbiro sa kanyang basher na nagsabing baka hindi raw makaikot ang kanyang chair dahil sa katabaan. Maging ang batuhan nila ng equally witty coach na si Lea ng dialogue from the movie “Bituing Walang Ningning” ay gustung-gusto ng  televiewers, huh!

ADVERTISING

Sa Facebook and Twitter, tuwang-tuwa ang netizens kay Sharon. Hindi raw nila ini-expect na magiging ganu’n ka-self-deprecating ang humor ni Sharon Cuneta. Perfect choice daw talaga siya bilang kapalit ni Sarah Geronimo.

Kung sino man ang nakaisip na ilagay si Sharon sa “The Voice Kids” season 3, congratulations!

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING