Sharon Cuneta, parang reyna ang ginawang pag-welcome ng Dos

Sharon Cuneta, parang reyna ang ginawang pag-welcome ng Dos

Sharon-CunetaPARANG REYNA ang ginawang pag-welcome ng ABS-CBN kay Sharon Cuneta na nagbabalik-Kapamilya Network nu’ng Lunes ng hapon. Bago siya humarap sa entertainment press ay tinugtog muna ng string quartet ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra ang kanyang mga hindi malilimutang awitin para aliwin ang press habang naghihintay.

Maagang dumating sa ABS-CBN si Shawie para sa kanyang contract signing. Pagkatapos nito saka naman ginanap ang welcome presscon for the Megastar at ang announcement na ang unang magiging show niya sa Dos ay ang Your Face Sounds Familiar.

Isa si Shawie sa magiging jury ng contest at makakasama niya rito sina Gary Valenciano at Jed Madela. Your Face Sounds Familiar is hosted by Billy Crawford at sa Huwebes na magti-taping si Sharon. Magsisimula naman ang show sa March 14 at mapapanood tuwing Sabado at Linggo.

Masayang-masaya si Sharon sa muling pagbabalik sa ABS-CBN na para sa kanya ay siyang tunay niyang tahanan. Present sa contract signing ni Sharon sina Ms. Charo Santos, Malou Santos, Cory Vidanes, Lauren Dyogi, manager ni Sharon na si Sandra Chavez at business unit head ng Your Face Sounds Familiar na si Louie Andrada.

Welcome home, Megastar! Na-miss ka naming mga Sharonian.

La Boka
by Leo Bukas