Sharon Cuneta, nakadidismaya nang panoorin

ADVERTISING

Sharon Cuneta, nakadidismaya nang panoorin

Sharon-CunetaISA SA matinding kalungkutan ni Sharon Cuneta bilang artista ay ‘yung hindi na niya talaga magawa ang mga gusto pa niyang gawin sa pelikula at telebisyon, ganu’n na rin sa kanyang singing career. Sumosobra na nga kasi ang kanyang katabaan. Maganda pa rin ang kanyang mukha, pero sa huli niyang pelikula sa Regal Films, ang Mano Po, talagang nakadidismaya na siyang panoorin, dahil mahirap na talaga siyang kunan ng magandang anggulo sa marami niyang eksena.

Pero huwag naman sanang sumobra ang panlalait ng ibang taga-showbiz kay Sharon. Hindi naman tamang tawagin na laos ang mommy ni KC Concepcion nang dahil lang sa hindi nga muna siya napapanood ngayon sa pelikula at telebisyon.  Sa totoo lang, plastic ang artistang magsasabing hindi nila hinangad na marating ang naging kasikatan ni Shawie na nakagawa ng maraming pelikula na talagang kumita sa takilya. Kaya siya ‘yung muntik maging banta noon sa kasikatan nina Nora Aunor at Vilma Santos.

Wala nang dapat pang patunayan si Sharon. Pansamantala lang siyang mawawala, pero unfair na ikabit kay Sharon ang salitang laos. Sa totoo lang, dahil napakayaman ni Sharon, kaya hindi muna mga proyekto bilang artista ang kailangan niya, kundi disiplina sa sarili na makapagpapayat na siya. Napakabilis niyang makakagawa ulit ng pelikula o makasasayaw habang kumakanta kung itutuloy niya ang disiplinang makapagpapayat na siya unti-unti.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING