Sharon Cuneta, naghahanda nang mag-retire sa showbiz

Sharon Cuneta, naghahanda nang mag-retire sa showbiz

Sharon-CunetaNAGWA-WARM-UP NA si Megastar Sharon Cuenta, kung sakali matuloy na mag-retire from showbiz. In the next four to five years, baka maga-alsa-balutan na si Shawie para manirahan na lang sa Amerika tulad ng plano niya.

At kung sakaling matuloy man ang early retirement niya, sa Kapamilya Network pa rin niya gustong mag-work hindi na bilang artista kundi sa TFC (The Filipino Channel).

Bago mag-Holy Week kasi, umalis ang pamilya nina Sharon at former Sen. Kiko Pangilinan kasama ang kanilang mga anak para sa US mag-break. Sa katunayan, nag-host ang mag-asawang Kiko at Sharon ng advance birthday dinner party last Saturday (Sabado de Gloria) para sa panganay nilang si KC sa Nobu Restaurant na isang pabulosang resto sa Malibu, California frequented by Hollywood celebrities attended by their friends and relatives.

Ang birthday ni KC ay yesterday (Tuesday, April 7). Sa kaarawan ng dalaga, tila totoo ng tsika na loveless na tunay sa pagkakataong ito ang dalaga ng Megastar dahil walang Paulo Avelino man lang na katabi si KC sa piktyur-piktyuran na naka-post sa FB ng inang si Sharon.

Oo nga pala, sabi ni Paulo, “friends” lang sila ni KC. Bakit nga ba ang maghahanap?

 

PAKONTI-KONTI, NAGWA-WARM UP muli ang showbiz matapos ang mahaba-habang bakasyon nitong nakaraang Holy Week. Kaya nga ang mga celebrities natin, hayun sa iba’t ibang sulok ng mundo (isama na ang mga beaches ng Pilipinas) nagliwaliw.

Sina John Llyod Cruz at Angelica Panganiban, nag-emote sa beach ng Palawan, same with newlyweds Bianca Gonzales and JC Intal.

Sina Anne Curtis at BF Erwan Heussaff, nag-soul searching sa Nepal, kung saan they love the Nepalese culture at nag-extend pa sa Pokhara, a lake town north of Kathmandu (I’ve been there) para abot-kamay nila ang Himalayan ranges at malapit-lapit na makita ang Mt. Everest.

Sina Richard Gutierrez with Sarah Lahbati and their son Zion ay nasa Bali, Indonesia. Maging sina Billy Crawford at Coleen Garcia, andu’n din na nag-bunjee jump pa nga ang dalawa na magkayakap para patunayan sa kani-kanilang mga sarili na “till death do us part” ang kanilang drama.

Sina Jessy Mendiola at former boyfriend (alam ko nagkabalikan sila) JM de Guzman, mukhang nag-loving-loving lang sa photo posting sa IG nila na sila na at itinutuloy lang nila ang naudlot nilang “romansa”.

Si Ruffa Gutierrez together with her two daughters Venice and Lorin ay nasa Bali rin ng pala. Ang BF ni Ruffa na si Jordan Mouyal, bumiyahe pa from Paris (kung saan doon ang negosyo nito) papuntang Bali para makasama lang ang kanyang lady love na sa IG posting ng celebrity host sa photo nila ni Jourdan na magkayakap: “I feel secured with him. I know he is the one.” Maikling caption ni Ruffa sa picture.

Reyted K
By RK VillaCorta