Sharon Cuneta, muling aarte sa pelikula; may nakalinya na ring bagong album

ADVERTISING

Sharon Cuneta, muling aarte sa pelikula; may nakalinya na ring bagong album

Sharon Cuneta, muling aarte sa pelikula; may nakalinya na ring bagong album
Sharon Cuneta

Excited si Megastar Sharon Cuneta sa pagbabalik niya sa pag-arte.

After niyang mag-warm up as judge-mentor sa isang singing contest para sa Kapamilya Network, excited siyang muling umarte at magbalik-recording.

Sa katunayan, sa kanyang Facebook account, isinulat ni Mega na may meeting siya sa Star Cinema with Ms. Malou Santos sa project na ididirek na Cathy Garcia-Molina and with Jonathan Manalo of Star Music.

Mensahe niya sa FB: “On Friday (bukas) I will have magkakasunod na meetings na — with Star Cinema bosses, Direk Cathy Garcia Molina, etc. + Jonathan of Star Music for my album and I am excited about this because I think he’s turning in na some song demos from several songwriters for my consideration. Pipili na baga ng isasali sa bagong album ko! I told him to please not put the names of the songwriters para sa kanta ko lang talaga ibabase ang pagpili ko, right?”

ADVERTISING

I’m sure, super happy ang Sharionians sa magandang kaganapan na ito sa career ni Mega.

Kami man ay super excited na rin na makita siyang umaarte sa pelikula at hindi lang ang pagdya-judge sa isang singing contest.

Goodluck, Shawie! Matagal ka nang hinihintay ng fans and supporters mo na umarte sa pelikula.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING