Sharon Cuneta, may sintomas ng cancer – Chit Ramos

ADVERTISING

Sharon Cuneta, may sintomas ng cancer - Chit Ramos

Sharon Cuneta, may sintomas ng cancer - Chit RamosNAG-PANIC ANG SHARON-IANS noong Lunes nang malamang may sintomas pala ng cancer ang kanilang idolo. At mismong si Sharon Cuneta ang nagpahayag nito.

ADVERTISING

“I discovered that I have this lump (bukol) on my breast which scared me dahil may history ng cancer ang family namin,”pagtatapat niya. “Actually, noon pang ginagawa namin ni Ai-Ai delas Alas ang BFF (Best Friends Forever) ito nangyari, kung kaya’t na-cancel ang supposedly Monday taping ko ng Sharon na ipinalalabas every Sunday sa Kapamilya network.”

Mahinahon ang pahayag nito on TV na lubhang naging palaisipan sa mga televiewers, eventually sa live audience ng show noong Lunes.

“I kept the truth to myself and Kiko (Sen. Francis Pangilinan) who accompanied me to the States. After  a series of tests, benign naman daw. Ngayon ko lang binanggit in public dahil sa mga napanood ko sa TV. Ang kaawa-awa nating mga kababayan na naging biktima ng typhoon Ondoy at Pepeng. Naisip ko ang sudden devastation all over the country at ang pagkamatay (sa lunod at landslide) ng daan-daang tao.” patuloy niya.

ADVERTISING

Mangiyak-ngiyak ang Sharonians habang nanonood ng taping at gustung-gusto sana nilang makausap ang megastar after the taping. Pero, agad itong inakay papasok ng room designated for her.

HUMANGA SILA SA tatag ng megastar. Punung-puno ito ng sigla habang nakipagharutan sa guests nila sa Discoveries episode ng show na kinabibilangan ng Star Magic talents tulad nina Rodjun Cruz, Mickey Perz, Enrique Gil, Thou Reyes, Charles Christianson, Sergio Garcia, Kaye Abad and Guji Lorenzana, Erik Santos at mga comedians na sina Noel at Vone.

What amazed them ay ang pahayag ni Sharon in between takes na nakatakda pa siyang maglibot sa mga lugar kung saan hindi pa humuhupa ang tubig, kasama ang execs ng ABS-CBN na sina Gabby Lopez, Charo Santos-Concio, Cory Vidanes at mga kapwa niya artista.

KUNG TULUYANG NA-CANCEL ang teleserye si Judy Ann Santos na Nurserye with Derek Ramsay, may kapalit na ito ngayon.

Si Zanjoe Marudo na ang kanyang magiging leading man.

Tulala pa nga si Zanjoe sa pangyayari. Hindi pa kasi siya nakaka-recover sa napaka-gandang break niya sa Lovers In Paris kung saan nakikipagtagisan siya ng talento sa pag-arte kay Piolo Pascual, not to mention being one of KC Concepcion’s two leading men, heto, at ang young superstar naman ang kanyang haharapin.

Isa  pang magandang pangyayaring bunga ng pagseseryoso ng mga ABS-CBN executive kay Zanjoe ay ang kanyang pagpapakatotoo. Hindi  na siya nag-aalangang sagutin nang matino ang mga interview. Kung dati-rati’y iwas siya nang iwas kapag natatanong ang dyowa niyang si Mariel Rodriguez, ngayon, buong pagmamalaki niyang inaamin ang kanilang relasyon.

“Hindi ko siya ipagpapalit kahit kaninong babae,” aniya. “Wala na akong makikita pang kasing-bait niya. Maganda na, sobra pang maunawain. Hindi niya ako binibigyan ng problema. Isa siyang inspirasyon sa aking profession ngayon. Haping-hapi siya sa role ko sa LIP at ngayong gagawin ko na ang teleserye namin ni Judy Ann.”

Pero, nangako siyang hinding-hindi iiwan ang Banana Split kung saan sineseryoso na rin ang pagsasayaw, pagpapatawa at pagtuklas ng iba pa niyang talent.

BULL Chit!
by Chit Ramos

ADVERTISING