Sharon Cuneta may mensahe sa mga taong may violent reactions sa role niya sa ‘Revirginized’

Leo Bukas

IKINAGULAT ng marami including her Sharonians ang role ni Sharon Cuneta sa pelikulang Revirginized ng Viva Films na idinirek ni Darryl Yap. Nang lumabas ang trailer ng pelikula sa social media ay hindi rin naiwasang magkaroon ng violent reactions ang kanyang fans.

Kaagad naman siyang nagbigay ng reaksyon tungkol dito by saying na nasa tamang edad na siya para tumanggap ng roles na hindi niya dati ginagawa.

Sharon Cuneta may mensahe sa mga taong may violent reactions sa role niya sa ‘Revirginized’
Sharon Cuneta

Paliwanag niya, “From Dear Heart, always the simple, the true, the good, the beautiful, the wholesome, the sweet, the matino, the disente, you know. But I said, after more than 60 movies actually, medyo I think I have already earned the right to play around and experiment with other roles.”

“And, you know, at my age especially, a role like this comes along, written by the genius Direk Darryl Yap. Alam n’yo, ang mali lang sa mga tao, ang napapansin lang nila lagi, yung controversial na mga eksenang lumalabas sa trailers ng movies ni Direk Darryl.

“Pero if you watch his movie, mano-notice n’yo po, sa umpisa puro kalokohan yan, puro ganyan. Pero in the end, laging merong tusok sa puso. Nung ikinuwento niya sa akin ito actually, nung pinitch niya sa amin, napaluha ako, eh.

“So, hindi ko mahindian. And I said, ‘Tapangan ko nga yung sarili ko,’ in my own way…  but I’ll try to do it in my own way. Yon ang pinakabastos na kaya ko.

“Pero I think once in a while, when an actor does a movie that is outside of his or her usual genre, na inaabangan ng audience niya at kinasanayan then that makes the audience appreciate the other skills of the actor. And then makes the audience miss the usual kind of movies na ginagawa ng artistang yon,” patuloy na paliwanag ng Megastar.

Para kay Sharon, simula pa lang ang Revirginized sa pagtanggap niya ng kakaibang role.

“I look forward to doing the usual, let’s just call it the usual Sharon movie, na mas medyo deeper na ngayon. Mas mature na, because so am I. Tinanggap ko ito dahil gusto kong gawin, hindi  dahil sa kailangan kong gawin,” lahad ng singer-actress.

Umaasa naman si Sharon na sa bagong challenge na tinanggap niya bilang aktres ay maiintindihan ito ng kanyang supporters.

Sharon Cuneta may mensahe sa mga taong may violent reactions sa role niya sa ‘Revirginized’
Sharon Cuneta in ‘Revirginized’

“I wanted a challenge, and so I got it. And I think that… I hope I did justice to the role. And I hope my Sharonians will… give it a chance, and try to see beyond just the mga pagmumura, at yung mga salitang hindi ko usually sinasabi kahit sa tunay na buhay,” sabay tawa niya.

“I hope na malagpasan nila yon sa panonood nila ng pelikula at makita nila yung core at yung puso ng movie. ‘Yon ang hope ko dahil talagang… it’s special to me,” huling pahayag ng award-winning actress.

Mapapanood ang Revirginized sa streaming platforms na Ktx.ph, iWant TFC, TFC IPTV, SKY PPV at Vivamax.

Previous articleRaymond Gutierrez natakot amining bading siya dahil sa kahihiyan ng pamilya
Next articleVLOG WATCH: The Power of Manifestation Routines and Tips by Michelle Madrigal