Sharon Cuneta, may grand welcome sa Dos

ADVERTISING

Sharon Cuneta, may grand welcome sa Dos

Sharon-CunetaMAY SPECIAL announcement na gagawin ngayong Lunes, 1 p.m ang ABS-CBN. Sa tingin namin, ito na ‘yung tungkol sa homecoming ni Sharon Cuneta sa Kapamilya Network. Wala namang sinabi si Kane Choa (head ng Corp. Com ng ABS-CBN), kung para saan ang announcement.

ADVERTISING

Ilang araw nang nagsi-circulate sa social media ang tungkol sa pagbabalik sa ABS-CBN ni Sharon. Tuwang-tuwa nga ang fans na finally, mapapanood na ulit nila ang Megastar. Marami na ring naglabasang balita na pinaghandaan talaga ni Shawie ang kanyang pagbabalik at part nito ang pagbabawas ng timbang.

Hindi pa namin alam kung kasabay ng special announcement ng Dos sa press ang pagharap na rin ni Megastar kaya marami ang excited na makita ang bagong Sharon.

Matatandaan na ilang taon ding nawala sa ABS-CBN si Sharon dahil nagtrabaho ito sa TV5. Hindi na tinapos ni Sharon ang kontrata sa Singko dahil pakiramdam niya ay hindi na siya masaya.

ADVERTISING

Welcome home, Sharon Cuneta!

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING