Sharon Cuneta, may attitude problem pa rin?!

ADVERTISING

Sharon Cuneta, may attitude problem pa rin?!

Sharon Cuneta, may attitude problem pa rin?!

OMG! OLA chikka na naman tayo nang bonggang-bongga. Hay, naku! Ayaw ko na talaga ng blind item. Kasi parang takot silang tukuyin na sila ang nasa likod ng kontrobersiya. Kasi nga naman, nu’ng isang araw, may na-bungaran na naman akong isang blind item. Kaloka, as in, mabubuwang ka sa Earth. Kasi talagang given na ang mga clue. Hindi pa niya tinukoy. Kayo ang manghusga sa nilalaman ng blind item.

Isang actress/TV host/singer daw ang nag-walk-out sa taping ng sari-ling TV show dahil daw sa ayaw niya ng kanyang guest na isang award-winning actress. In few minutes, mag-i-start na raw ang taping ng show. Ayos na ang lahat, sabay bigla na lang diumano’y umuwi at nag-pack-up ang nasabing actress/TV host/singer, dahil sumama raw ang kanyang pakiramdam.

Ngunit ayon da sa source, ayaw lang daw talaga ng actress/TV host/singer ang kanyang guest celebrity na award-winning actress. Kaya naloka raw ang lahat sa inasal ng nasabing actress/TVhost/singer na very kontrobersiyal sa kanyang twitter acccount. Ang award-winning actress naman daw ay merong teleserye na kasama ang kanyang anak. ‘Yun na!

ADVERTISING

Sabi nga ng aking parazzi girl, bakit kasi pahihirapan pa ang mga self kung hindi naman ikagugunaw ng mundo ang kuwento. Kaya heto, siya mismo ang nagbukelya sa naturang blind item na ang hula ko d’yan ay ang reyna ng orocan na si Sharon Cuneta, at ang award-winning actress naman na may kasamang anak sa teleserye ay si Jaclyn Jose.

Sa palagay n’yo? Kasi ako, hindi mapalagay na sila nga ang tinutukoy ni Thry Catan sa kanyang blind item. Nag-PM ako sa kanya, pero walang response. Pero kung totoo man ito, wala nang maglalakas-loob na mag-guest sa naturang show, kung ganyang ma-tanda na, may attitude problem pa si Sharon.

O, baka naman mainit lang talaga ang ulo ni Sharon, at nadamay lang si Jaclyn. Malay natin kung ito nga at totoo. ‘Pag nagkataon, wala nang bituing magniningning pa sa career ng tinaguriang Megastar na ngayon ay Negastar na. Say mo, Xixi Maturan? I’m sure, hindi ka ma-xixi. Ay, ambot!

Naloka ako, kasi pagkatapos kong ma-write-up ito, may natanggap ako kaagad na chikka na ang dahilan daw ng pag-pack-up ni Sharon, kasi sumasakit daw ang dibdib. ‘Di ba may sakit siya sa puso? Baka nga naman. Pray na lang tayo na maagapan ito.

 

SPEAKING OF maagapan, mabuti kamo almost 10 minutes na lang matatapos na ang program ko sa DZRH.TV, kung saan nadalaw sa akin mismo ang gumaganap na Saint Pedro Calungsod na si Gerald Santos para i-promote niya ang nalalapit na pagtatanghal ng Pedro Calungsod: The Musical sa Nov. 27 sa PETA Theater sa New Manila, Q.C. At tamang tama nu’ng linggo rin ay canonization mismo ni Saint Pedro Calungsod sa Vatican City para maging isang tunay na na santo.

Nakakaaliw naman itong si Gerald, nakakahawig talaga siya ng imahe ni Saint Pedro Calungsod, maamo, mabait at magalang. At kahit sikat na, wala kang makitang pagbabago.

Sabi ko nga sa kanya, sa lahat ng kabataang performer, siya ang iniidolo ko talaga. Kasi siya lang ang talagang gifted ang kanyang boses. At minsan nga raw, nangarap din itong si Gerald na maging santo, kaya lang hindi iyan ang destiny niya kung hindi ang pagkanta kaya ito ang itinuloy niya.

Pero nu’ng tinanong ko kung siya si San Pedro Calungsod, ano ang masasabi niya sa mga kabataang tulad niya, sabi niya: “‘Wag mawawalan ng pag-asa at manalig lagi sa Diyos at huwag po sana nilang piliin ang kasamaan kaysa kabutihan, at ‘wag silang matakot sa mga pagsubok sa buhay.”

‘Yan ang kahanga-hangang si Gerald Santos na sana sa darating na taon, siya naman ang mapalad na maging box-office king kung bibigyan lang pagkaka-taon, kasi malaki talaga ang ibubuga ng batang ito. ‘Yun na!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING