Sharon Cuneta, mahigit 20 lbs. na ang ipinayat!

ADVERTISING

Sharon Cuneta, mahigit 20 lbs. na ang ipinayat!

Sharon Cuneta, mahigit 20 lbs. na ang ipinayat!

SA BIRTHDAY NI Manny V. Pa-ngilinan nu’ng isang buwan, kung saan parehong nag-perform at nagkasama sa stage sina Aga Muhlach at Sharon Cuneta,   nakangi-ting tinanong ng una ang huli kung tama nga ba ang pagkakaalam ng aktor na five pounds na nga lang kailangang mabawas sa timbang ng aktres.

Pero nang maka-tsika namin, kahit sandali ang Megastar sa backstage pagkatapos ng event, sinabi sa amin nito na gusto n’ya raw ay makapagbawas pa s’ya ng 20 lbs.

Ganunpaman, kapansin-pansin na nu’ng gabing ‘yon na pumapayat na talaga ang actress-singer-TV host na editor-in-chief na rin ng kanyang sariling magazine ngayon na Sharon.

ADVERTISING

Lalo naman kaming nagulat nang magkita kami uli ni Ate Shawie (palayaw ni Sharon) last Friday lang sa birthday party ni Aga sa Makati, dahil lalo s’yang pumayat kumpara nu’ng nakaraang buwan.

Ipinagmalaki sa amin ni Mega na more than 20 lbs. na raw ang ipinayat n’ya.

Dahil d’yan, may narinig kaming balita na sa darating na October ay plano raw i-renew ng isang slimming center na ini-endorso ni Ate Shawie ang kanyang kontrata.

Masayang-masaya raw kasi sila sa resulta ng katawan ngayon ng aktres.

 

BUKOD PALA SA anak na lalaki nina National Artist for Visual Arts and Film na si Direk Carlo J. Caparas at Donna Villa na si CJ Caparas na isa na ring artista, balak din daw sumabak sa showbiz ng kani-lang 17-year-old daughter na si Peach Caparas.

Sa katunayan, gusto n’ya raw makatrabaho sa pag-arte si Baron Geisler sa kabila ng pagkakaroon nito ng bad boy image, dahil magaling daw umarte ang aktor.

Nasubukan na raw minsang mag-extra ni Peach sa TV series na idinirek ng kanyang ama noon na Ang Pangarap Kong Lotto. Pero batang-bata pa raw s’ya nu’ng mga panahong ‘yon at walang speaking lines ni isa.

Kapag tuluyan nang pumayat si Peach, malamang ay mapasama s’ya sa ilan sa 50 nobelang binili ng Viva Films sa kanyang mga magulang na iri-remake nina Boss Vic del Rosario, Direk Carlo at Tita Donna bilang mga pelikula o soap opera sa loob din  ng  ilang taon.

Ang mga nobelang gagawin muli nila bilang teleserye ay puwede nilang ipalabas sa iba’t ibang TV stations.

 

MULING TUMAPAK SA bakuran ng ABS-CBN ang isa sa Showbiz Central hosts na si John Lapus last Wednesday nang mag-taping ito para sa show ni Vice Ganda na Gandang Gabi, Vice na mapapanood na sa Linggo.

Marami ang nagulat sa eksenang ‘yon, dahil may ilang taon na ring Kapuso si Sweet, bagama’t nanatili pa rin s’ya sa pangangalaga ng Star Magic na talent arm ng Kapamilya Network.

At least, malalaman natin na walang issue sa pagitan nina Vice at Sweet, lalo na’t malapit na kaibigan na rin ni Kris Aquino ngayon ang una, habang ang huli naman ay napakatagal ng kaibigan ng TV host-actress.

 

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11 AM-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissimeon.
Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING