Sharon Cuneta magni-ninang sa kasal nina Ara Mina at Dave Almarinez

Leo Bukas

BUMALIK na ulit sa lock-in taping sa Batangas para sa FPJ’s Ang Probinsyano si Ara Mina. Pero bago magpunta ng dating ay inasikaso muna ng aktres ang ilang detalye para sa nalalapit nilang kasal ng fiancé niyang si Dave Almarinez.

Si  Dave ang president at CEO ng Philippine International Trading Corporation. Siya rin ay dating Board Member ng Laguna.

Sharon Cuneta magni-ninang sa kasal nina Ara Mina at Dave Almarinez
Ara Mina and Dave Almarinez

“Nasa planning stage na kami for the wedding at isa yon sa pinagkakabisihan ko ngayon bukod sa taping ng Ang Probinsyano,” bulalas ni Ara sa amin.

“We are planning kasi to have a church/garden  wedding. Dapat hiwalay ang church at garden pero dahil pandemic, mas practical na pagsamahin na lang,” dagdag niyang kuwento.

Ibinahagi rin ni Ara na isa sa magiging ninang nila sa kasal ni Dave ay si Megastar Sharon Cuneta.

“Para sa ilang hindi pa nakakaalam, sobrang close kasi sa akin si Ate Sharon na magiging Ate Ninang ko na. Nag-uumpisa pa lang ako sa showbiz noon pero ipinaramdam niya sa akin yung love. Napakalaki niyang artista pero pumayag siya na maging ate ko kaya gusto kong maging part siya ng bagong chapter ng buhay ko,” sambit ni Ara.

Idinagdag din ni Ara na balak niyang kausapin si Sharon para humingi ng ilang advice ngayong  papasukin na niya ang pag-aasawa.

Sharon Cuneta magni-ninang sa kasal nina Ara Mina at Dave Almarinez
Sharon Cuneta

Si Sharon ay matagal nang malapit na kaibigan ni Ara. “Ate” ang tawag niya sa Megastar.

Samantala, inamin ni Ara a night before the wedding proposal sa kanya ni Dave ay nag-away sila ng boyfriend dahil ang akala niya ay wala na itong time sa kanya, pero yon pala ay pinaplano na nito ang engagement nilang dalawa.

“Nagkatampuhan kami a night before the proposal. Inaway ko siya, wala lang,  petty quarrel.

“Wala talaga akong alam. Kaya nga du’n sa proposal, yung hinahampas ko siya, sabi ko, ‘Inaaway pa kita kagabi.’ Ganu’n.

“Sobrang shock ako. Sino ba namang mag-iisip na don sa city hall (ng San Pedro Laguna) siya magpo-propose, di ba? I mean, wala pa akong nakikitang ganu’n. Mahilig akong manood ng mga proposal videos at wedding videos, pero walang ganun,” pahayag pa ni Ara.

Samantala, wala pang ibinibigay na exact date sa amin si Ara kung kelan magaganap ang church/garden wedding nila Dave. Hinihintay pa raw nila kung kailan makakabalik ng Pilipinas ang kapatid ng kanyang fiancé na nasa Amerika.