Sharon Cuneta, madaling mapagod ang puso

ADVERTISING

Sharon Cuneta, madaling mapagod ang puso

Sharon-CunetaMAY PROBLEMA ang megastar na si Sharon Cuneta sa puso. What I mean, may diperensya ang kayang kalusugan kung kaya’y hindi siya puwedeng mapagod kahit sabihin man na kailangan niyang mag-exercise para sa kanyang pangangatawan.

ADVERTISING

Naging viral last week kasi ang open letter ng aktres sa kanyang social media account. Naroon ang pag-amin niya na may pagkakasala rin siya kung bakit lumubo ang pangangatawan niya at nagpabaya sa kanyang sarili.

Mula nang mapabalitang nag-suicide ang sikat na komedyante na si Robin Williams dahil sa depression, halos sunud-sunod ang mga balita sa local celebrities natin na may similar case.

Isa si Janno Gibbs na inamin niya ang nararamdamang depresyon sa show ni Jessica Soho kamakailan.

ADVERTISING

Ang Megastar, inaming depressed siya dahil sa mga kaganapan sa kanyang sarili (ang masyadong pagtaba) at ang nangyari sa kanyang career na hindi naging maganda ang kinahinatnan mula nang umalis siya sa Kapamilya Network at lumipat sa istasyon ni MVP.

Sa totoo lang naman, hindi lang si Sharon ang naging biktima ng maling desisyon. Hindi man vocal sina Aga Muhlach at ‘yong iba na naglipat-bahay, si Sharon, isa sa naging dahilan ng depression niya ay ang nangyari sa kanyang career.

Hindi na bagong makita natin si Shawie na mataba. Pero this time, iba ito. Mas malaki siya kumapra sa dati.

Ang anak niyang si KC Concepcion na very athletic at very physical at may tinutumbok na goal sa kanyang pangangatawan ay katuwang ni Sharon sa pagpapapayat. Pero sa dalawang exercises (or program) na ginagawa ni Mega ngayon, hindi pa rin maaari dahil naaapektuhan ang kanyang puso, ayon sa pahayag ni KC sa isang panayam.

Hindi rin marahil masisisi si Mega kung sa social media bashers niya ay nagpapatol siya dahil sa sitwasyon niya. Hindi niya maiwasan na mapatulan ang panlalait sa kanya.

Pero mabuti na lang, andyan ang anak na si KC na always nakaalalay sa ina. Hindi mapagpatol si KC sa bashers niya na siyang ini-impart naman ng aktres ng Ikaw Lamang sa ina para ma-lessen ang stress nito.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING