Sharon Cuneta lumayas ng ‘Pinas to ‘breathe, collect myself, gain strength’

Leo Bukas

BIGLANG umalis ng Pilipinas para magpunta sa Amerika si Megastar Sharon Cuneta na ikinagulat ng marami. Hindi ito nagbigay ng detalye kung  kung kailan siya babalik ng bansa.

Bago umalis ay nag-post pa si Sharon sa kanyang Instagram account ng mga larawan  kung saan  emosyonal siyang nagpapaalam siya sa kanyang asawang si Sen. Kiko Pangilinan at sa tatlo nilang anak.

Sharon Cuneta lumayas ng ‘Pinas to  ‘breathe, collect myself, gain strength’
Sharon Cuneta

“Praying and saying bye to my family,”  caption ng Megastar.

Ibinahagi rin ni Sharon ang mga kaganapan nang dumating siya sa airport kasama na ang mga litrato ng kanyang passport, ang signages ng mga kailangang sundin na health protocols pati ang picture niya suot ang protective gear.

“I’m going home. Of course my real home, where my heart is, is where my husband and children are. But tonight I am flying home to my Mommy’s Gramps’ country, where only my eldest and I are legal residents,” lahad niya sa caption.

“I need to breathe, collect myself, gain strength. Love you all and will miss you guys,” dagdag pa niya.

Samantala, katatapos lang gawin ni Sharon ang pelikulang Revirginized na comeback movie niya sa Viva Films kasama sina Rosanna Roces at Marco Gumabao. The film is directed by Darryl Yap.