Sharon Cuneta, kinaasaran ang kaplastikan ni Mariel Rodriguez?!

OLA CHIKKA! ILANG linggo na ring nawala sa sirkulasyon ng mundo ng showbizness si Mariel Rodriguez. Natuwa ako nang hindi ko na nakikita ang mukha niya sa mga front page ng tabloid dahil nakakasawa na rin ang mga intriga sa kanya. Ngunit muling nagbabalik na naman ang mga chismis sa kanya ngunit wala namang pinagbago, ganu’n pa rin!

Sa isang interview, nasabi ni Megastar Sharon Cuneta ang hinanakit niya kay Mariel Rodriguez. Kung matatandaan, dawit ang pangalan ng kanyang anak na si KC Concepcion sa mga pinagsalitaan niya ng mga hindi magagandang bagay. Ayon kasi sa ating parazzi girl, ang chikka nila ay natanong daw ni KC si Mariel tungkol sa kanyang ring galing sa boyfriend nitong si Robin Padilla, at pag-alis daw ni KC, minura raw ni Mariel ng P.I. Ngunit ang masama roon, hindi si KC mismo ang nakarinig kundi ang mga taong naiwan doon.

And then after that, nakuha pa raw umano nitong si Mariel na i-text si KC ng sweet messages sa kabila ng pagmumura niya. Tama nga naman si Sharon na kapag galit ka sa isang tao, sabihin mo or panindigan mo, hindi ‘yung magpapaka-plastic ka na mabait at okay lang ang lahat ‘pag nakaharap ka, ngunit kung anu-ano ang sasabihin once na tumalikod ka na.

Hindi na bago ang isyung ito dahil ang dami ng nadawit na pangalan ng mga artista tungkol sa hindi magandang asal na ito ni Mariel, hindi naman lalabas ang mga ganu’ng intriga kung walang pinagmulan. Mas lalo pang nagpalala sa situwasyon niya ay nang magkasamaan sila ng loob ng kanyang isa sa pinakamatalik na kaibigang si Toni Gonzaga.

Naku ha?! Hindi magandang pangitain iyan dahil sa muli niyang pagbabalik sa tabloid, negative pa rin ang naisusulat sa kanya.

NAIS KONG BATIIN ang aking kumareng si Imelda Papin sa kanyang matagumpay na concert noong Biyernes ng gabi sa Hotel H20, Manila Ocean Park para sa free-dialysis treatment ng mga kababayan nating hindi sapat ang ipon upang makapagpagamot. Marami ang dumalo at talaga namang nag-enjoy ng gabi iyon. Kaya mula sa aking puso ay nagpapasalamat ako, kami, para sa iyong napakabuting puso at CONGRATULATIONS! Mabuhay ka, kaibigan!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong known personality sa larangan ng kagandahan na matapos magwagi ay ganu’n na lang din kabilis nagbago ang ugali. Bakit?

Ang chikka kasi sa akin ng aking parazzi girl, primadonna na raw ang drama ng babaeng ito. Tuwing may guesting ay nag-iinarte na para bang siya na ang producer. Bawat ibigay na damit na kanilang stylist ay halos magwala na siya sa pagtanggi dahil kesyo ayaw raw niya, hindi raw bagay sa kanya at kung anu-ano pang dahilan niya. Maging ang kanyang make-up, inirereklamo pa, kaya hirap na hirap ayusan ng mga kawawang stylist itong si babae.

Noon naman ay sobrang bait niya at hindi naman ganu’n ang ugali niya. Sa bagay, kapag winner winner ka nga naman at nagkapangalan at kinikilala na ng marami, mahirap nang magpakumbaba. Kailangan n’yo pa ba ng clue eh, gets na gets n’yo na!

Ha-ha-ha! Hindi n’yo mahulaan? Subaybayan na lamang sa aming programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 AM to 12:00 NN at makigulo at maging una sa chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleSean Anthony: PBA’s and Showbiz’ Newest Idol
Next articleWillie Revillame, haharapin ang bagong kaso sa Dos!

No posts to display