SHARON CUNETA: “Kiko and I don’t have a perfect marriage.”

ADVERTISING

SHARON CUNETA: “Kiko and I don't have a perfect marriage.”

SHARON CUNETA: “Kiko and I don't have a perfect marriage.”
Sharon Cuneta

SABI KO NA nga ba at may something  ang mga social media posting ng Megastar Sharon Cuneta. Nabigyan na ito ng linaw nang mag-guest siya sa nightly show ni Kuya Boy Abunda na Tonight with Boy Abunda last night (Friday).

           
Heto at sa wakas, mula nang makabalik siya galing Amerika ay pumiyok na rin ang aktres.
         
May problema nga ba ang pagsasama nila ng mister niya na si Sen. Kiko Pangilinan (based sa picture na naipost noon ni Shawie kasama ang apat na anak na may pasaring sa asawa tulad ng interpretasyon ng marami)?
 

Walang paligoy-ligoy ay sinagot ng aktres ang tanong: “Kiko and I don’t have a perfect marriage. Who does? There are times gusto mong iwan, there are times gusto mong patayin. Ganun lang naman, ‘di ba? Lahat ng mag-asawa, may mga ganun. Just being frank and honest.”

SHARON CUNETA: “Kiko and I don't have a perfect marriage.”
Sen. Kiko Pangilinan and Sharon Cuneta
Sabi pa niya: ”Because you know he’s an upright guy. He’s a very good man. That’s why I married him. It’s just that we didn’t grow up in the same household, with the same parents, with the same setup,” paliwanag niya sa TV host.
 
Tinanong diretsahan ni Kuya Boy ang tungkol sa picture na naipost niya kasama ang mga anak(na kasama ng Sharon item natin yesterday sa Pinoy Parazzi) with a caption na silang apat na mga anak lang niya ang handa niyang ibuwis ang kanyang buhay. She captioned  “would give my life for” na naging palaisipan sa mga fans and followers niya sa tinuran ng aktres.

Nagpaliwanag ang aktres tungkol sa bagay na ito: ”Kasi pinanganak ko yun e. At ‘yung isa inampon ko at sumumpa akong maging nanay. Hindi ko naman pinagbuntis si Kiko!”

Ganun lang? For a change, naging pilosopo si Shawie, huh?

ADVERTISING

Kutob ko, may “something” sa mag-asawa na hindi pa siguro keri ng aktres itawid ang mensahe na gusto niya ipaalam sa publiko.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING