Sharon Cuneta, keri nang bumalik sa concert scene

ADVERTISING

Sharon Cuneta, keri nang bumalik sa concert scene

Sharon Cuneta With Fanny Serrano And Lea Salonga
Sharon Cuneta With Fanny Serrano And Lea Salonga

Ngayong tapos na ang “The Voice Kids”, malamang ang concert naman ni Sharon Cuneta na gagawin sa The Theater at Solaire ang pagtutuunan niya ng pansin.

Almost two times a week kasi noon (Saturday and Sunday) ang trabaho ni Mega para sa singing contest na last Sunday lang nagtapos.

And yes, keri na ni Mega ang bumalik sa concert scene lalo pa’t ang super payat na niya, na siya mismo ay ipinagmamayabang ang kapayatan na ‘yun in her social media postings.

Walang daya ang kapayatan ni Mega. Hindi idinaan sa magaling na pagme-make-up ni Tita Fanny Serrano sa pagko-contour sa cheek bone ni Mega para magka-magic ang kapayatan niya ngayon.

ADVERTISING

We love Sharon sa new look niya.

Alam naman niya na marami ang nag-aabang sa pagbabalik-eksena niya, at isa na kami roon.

Sa kanyang Facebook posting, nai-post niya ang show poster na magkakaroon ng dalawang performances sa October 15 at October 22 na ididirek ni Paolo Valenciano.

Makasasama ni Mega ang kanyang Team Sharon sa “TVK”.

After this concert, we hope to see her on a regular basis sa telebisyon or sa isang pelikula, ngayon pa na si Aga Muhlach ay nagbalik-Kapamilya Network na.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING