Sharon Cuneta at KC Concepcion, nagluluksa sa pagpanaw ni Mommy Elaine

ADVERTISING

Sharon Cuneta at KC Concepcion, nagluluksa sa pagpanaw ni Mommy Elaine

KC-Concepcion-Sharon-CunetaMATAGAL NA ring napabalitang may sakit si Mommy Elaine ni Sharon Cuneta, at humihingi pa nga ng prayers si KC Concepcion, pero nakagugulat pa rin nang lumabas ang balitang sumakabilang-buhay na ito nu’ng kamakalawa ng hapon.

Nag-tweet pa nu’n si KC na humihingi ng prayers dahil nakatakda raw operahan ang Mamita niya, pero pagkalipas lang ng anim na oras, nag-tweet siya uli na sumakabilang buhay na ito.

Kaya nabalitaan ko ngang talagang binantayan nila nang husto si Sharon at pinapakalma ito dahil siyempre, mahirap sa kanya na tanggaping wala na rin siyang ina.

Kahit nga si KC sa mga nakaraan niyang interview, emotional ito kapag napag-uusapan ang kalagayan ng Mamita niya.

ADVERTISING

Sa akin nga nu’ng hawak ko pa si Gabby, kahit anong panlalait ang sinasabi ko nu’n kay Sharon, mabait pa rin sa akin si Mommy Elaine.

Nakikiramay po ako kay Sharon at sa buong pamilyang naiwan ni Mommy Elaine.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING