Sharon Cuneta, kailangang mag-break muna sa showbiz

ADVERTISING

Sharon Cuneta, kailangang mag-break muna sa showbiz

Sharon Cuneta, kailangang mag-break muna sa showbiz

MARAMING NAGTATANONG sa amin, ano ang nangyayari kay Sharon Cuneta?

Sa totoo lang, feeling ko personally, parang bored na si Megastar sa buhay niya. Wala na rin naman siya dapat patunayan pa sa sarili. Nagawa na niya ang lahat para sa sarili bilang isang artista, ina at asawa.

She’s the Megastar at pinatunayan niya yun with her own effort para mapangatawanan ang label na bigay ng publiko para sa kanya. I remember, it was Tito Oskee Salazar ang nag-coin ng Megastar sa kanya. She’s a good actress and a terrific host (but depende sa concept ng show and not her show with TV5 na semplang sa konsepto).

ADVERTISING

Isa siyang maasikasong misis sa mister niyang si Sen. Kiko Pangilinan at maarugang ina sa mga anak niyang sina KC Concepcion, Frankie, Miel at ang latest baby boy niyang si Miguel Samuel Mateo Cuneta Pangilinan na legally adopted nang mag-asawa.

We love Shawie sa simula pa lang ng career niya. I find her so sweet na noong first encounter namin sa kanya noong nagpo-promote siya ng 2nd movie after Dear Heart directed by Danny Zialcita in the early 80’s sa dating RPN 9 with Gabby Concepcion, naging instant fan niya kami. She was straight forward, tulad pa rin ngayon.

Halos kasabayan namin nu’n si Sharon. Siya bilang artista, kami naman bilang entertainment writer. The rest was history.

Matapos ang halos tatlong dekada (30 years)  sa showbiz kahit sino naman ay mababagot. Mabuti na lang, sandali iniwaan naming ang showbiz at pumalaot sa ibang career. Pero dahil ang showbiz ay may ibang kagat, binalikan namin, na actually hindi naman namin tuluyang iniwanan. Sa muli naming pagiging aktibo sa showbiz, mas eager kami ngayon sa aming ginagawa. Nakapagpahinga kasi kami saglit sa mundong minahal namin for almost three decades.

And with Sharon, with what’s happening to her career at personal life (pinagpatulan ang mga bashers niya sa Twitter), I think the Megastar should take a break from showbiz. Sa estado niya, hindi namin inaasahan na mapagpatol siya sa mga taong tulad ng mga nanlait sa kanya. Kami man, hindi namin inasahan na pati ang nanahimik na si Piolo Pascual (ex-boyfriend ni KC na may bago nang lovelife at naka-move on na) ay idamay sa isyu.

What’s happening to my Megastar? I pity Sharon’s dilemma’s na tulad niyang intelihente, hindi ko ini-expect that ibababa niya ang sarili para lang makipag-away.

Now, she’s saying sorry with what she said. Okey lang at hindi masama ang humingi ng dispensa. Pero ilang beses na bang nangyari ang pagpatol niya at pakikipag-away sa bashers niya? This is not the first time. This is not what I expect from a Sharon Cuneta. Hindi ito ang inaasahan ng publiko sa kanya.

Dahil mahal namin si Shawie, can we suggest to her that she takes a break in showbiz? Puna nga ng marami, during her tapings sa show niya sa TV5, during in between breaks, wala siya ginawa kundi hawakan ang kanyang tablet or ipad at mag-tweet.

I know, she’s just bored sa routine niya sa araw-araw. Pakiwari ko, wala nang challenge para sa Megastar ang buhay niya ngayon.

 

ALL BIG stars ang mga kasama sa bagong pelikula ng Star Cinema ang 24/7 In Love. All-star cast na halos lahat ng mga malalaking artista ng Star Magic na nagse-celebrate ng kanilang 20th anniversary ay pawang mga bida.

Pagsamahin mo ba naman sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban; Gerad Anderson at Kim Chui; Pokwag at Sam Milby; Kathryn Bernardo at Daniel Padilla; Maja Salvador at Diether Ocampo at ang mga child superstars na sina Zaijian Jaranila at Xyriel Manabat, saan ka pa? All for the love of Star Magic, ‘ika nga.

Nalaman namin na ginawa ni Piolo ang pelikulang ito without asking his business manager kung magkano ang talent fee niya sa pelikula. Nag-shoot siya without any knowledge kung babayaran ba siya or gratis ito.

Kung susumahin mo at babayaran ang bawat artista sa regular talent fees nila, makakagawa ka na ng limang malalaking pelikula.
Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING