Sharon Cuneta, ipinagtanggol si Lorna Tolentino kontra Chin Chin Gutierrez! – Morly Alinio

ADVERTISING

Sharon Cuneta, ipinagtanggol si Lorna Tolentino kontra Chin Chin Gutierrez! - Morly Alinio

Sharon Cuneta, ipinagtanggol si Lorna Tolentino kontra Chin Chin Gutierrez! - Morly AlinioKINAMPIHAN NI SHARON Cuneta si Lorna Tolentino kaugnay sa hidwaan nito sa character actress na si Chin Chin Gutierrez.

ADVERTISING

“Dapat may respeto tayo sa mga artistang tulad nina Lorna, Vilma Santos at Nora Aunor dahil bago nila narating kung saan man sila naro’n ay matagal nilang pinaghirapan iyon. Kilala ko ang ate ko (Lorna), hindi siya magre-react nang ganu’n kung walang foul na nangyari. Wala ako du’n sa eksena pero sa totoo lang mali iyon. Dapat magkaro’n tayo ng respeto sa kapwa natin artista.” Tuluy-tuloy na panimula ni Sharon nang kausapin namin ito sa birthday party ni Ai-Ai delas alas.

Sinabi ni Sharon na maging siya man ay nadadala minsan sa mga eksena at hindi naiiwasang magkamali ng blocking pero siya raw ‘yung klase ng tao na kapag alam niyang may nagawa siyang mali sa kapwa niya artista, marunong siyang humingi ng tawad dahil hindi raw siya bastos.

“Like ‘yung nangyari sa amin ni Zsa Zsa (Padilla), hindi ko namalayan na napalakas pala ang sampal ko sa kanya, pero after the scene, talagang hiyang-hiya ako sa kanya at halos hindi ako makatingin sa sobrang kahihiyan. Hingi agad ako ng sorry at hindi ako ‘yung klase ng tao na parang nagmamalaki pa. Ibig kong sabihin, Lorna Tolentino na iyan. Dapat lang natin siyang bigyang respeto dahil hindi siya ordinaryong artista, institution na siya. Ako, du’n sa nangyari sa amin ni Lorna sa Mano Po, hindi ko ikinahihiyang sabihin ako ang may kasalanan.

ADVERTISING

Sa kabuan, sinabi at mariing ipinagdiinan ng Megastar na wala siyang pakialam sa away nina Lorna at Chin Chin. Kaya lang bilang ate, sobra raw ang nararamdaman niyang sakit kay LT dahil kilala niya itong mabuting tao at isang magaling na artista.

“Ito lang ang masasabi ko, sana magkaro’n tayo ng respeto sa mga artistang tulad nila. Dapat maging maingat tayo at kung meron man tayong nagawang kasalanan sa kanila. Dapat marunong tayong magpakumbaba dahil si Ate Lorna, mabuting tao ‘yan at nasasaktan talaga ako kapag may naririnig akong ganyang balita.” Pagwawakas ni Sharon Cuneta.

MAGING ANG PANGULO ng ABS-CBN ay hindi makapaniwala sa bonggang palasyo ni Ai-Ai delas alas noong Miyerkules ng gabi.

“Sabi ni Ma’am Charo (Santos-Concio), ‘Kay Ai-Ai ba talaga ang bahay na ‘yan?’” Tumatawang panimula ni Ai-Ai habang kausap namin siya sa mismong araw ng kanyang kaarawan sa mala-palasyo niyang bahay sa Winston St. Ayala Hillside Estates.

“’Day, nu’ng ipagawa ko ang bahay na ito, ‘eto ‘yung time na wala talaga akong raket sa showbiz pero paunti-unti, natapos din sa wakas at sobra ang pagpapasalamat ko sa Diyos dahil bigay niya ito sa akin.” Masayang pagkukuwento pa iyon ni Ai-Ai, na ayaw sabihin kung magkano ang kabuuang halaga ng nasabing bahay niya. Pero ayon sa isang taong malapit sa aktres, more than P50 million daw ang halaga nu’n.

“Lahat ng savings ni Ai-Ai, napunta sa bahay na ito pero tingnan mo naman, sulit ang kanyang pinaghirapan.”

Wala na raw mahihiling pa si Ai-Ai sa takbo ng kanyang personal na buhay at maging sa showbiz career.

“Kung darating ang lovelife sige, okey lang sa akin kasi kung magmamadali ako at pipilitin ko ang isang bagay na hindi pa kaloob nu’ng nasa itaas, baka mauwi rin sa wala.”

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING