Sharon Cuneta, ipakukulong si Hayden Kho?!

ADVERTISING

Sharon Cuneta, ipakukulong si Hayden Kho?!

GUSTONG-GUSTO NAMIN ANG sarkastikong komento ni Sharon Cuneta tungkol kay Dr. Hayden Kho. Kung bakit nga naman kasi pati ang nananahimik niyang anak na si KC ay nakakaladkad ang pangalan sa kababuyang ginawa ng doktor kina Katrina Halili at Maricar Reyes.

ADVERTISING

May kuwentong lumutang na may sex video rin daw sina KC at Dr. Hayden. Nasa Canada ang mag-ina nu’ng kasagsagan ng kontrobersiya, kaya nitong bumalik na lang sila nasagot ng Megastar ang isyu.

Nanlalaki ang mga mata ng ina ni KC nu’ng tanungin siya ng mga manunulat tungkol du’n, kasabay ang pahayag na kung totoo man ‘yun, siguro’y nakakulong na ngayon ang kontrobersiyal na doktor.

Ang totoo, ni hindi nga kilala ni KC ang doktor, hindi pa sila nagkikita nang personal. Kaya isang malaking katarantaduhan ang kuwentong may sex video rin ang dalawa.

ADVERTISING

Sa kayabangang ‘yun ni Dr. Hayden, hindi nito ipagmamakaingay kung totoo ngang natikman rin nito ang magandang aktres? Susmaryosep, kung sina Katrina at Maricar nga ay tinanggalan na nito ng ulo ngayon dahil sa sobrang kahihiyan, ang kasingsikat pa kayang tulad ni KC ang hindi gamitin ng bastos na doktor sa kanyang pagyayabang?

Nagpakatotoo lang si Sharon Cuneta. Walang inang matutuwa sa ganu’ng klase ng balita. Maraming nanay ang may gustong makita ang doktor na nakakulong at naghihimas ng malamig na rehas na bakal.

Sa kagustuhan nitong makuha ang simpatiya ng publiko, sa kanyang mga interbyu ay sakdal-galang ni Dr. Hayden. Kung anu-anong kuwento tungkol sa nakaraan nitong buhay ang pinalulutang nito na wala namang consistency.

Parang maawaing kordero ang doktor habang naglilitanya sa harap ng mga camera, kaya ang komento ng bayan, “Tumigil ka na!”

Totoong-totoo, tantanan na sana ng doktor na ito ang pagpapaawa.

Read Cristy Fermin’s Blind Item: Batang actress, manggagamit?

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

ADVERTISING