Sharon Cuneta, idadagdag kina Boy at Kris sa pagbabalik ng The Buzz

Sharon Cuneta, idadagdag kina Boy at Kris sa pagbabalik ng The Buzz

Sharon-CunetaABS-CBN IS reportedly poised to resurrect The Buzz para ipantapat sa show ni Willie Revillame tuwing Linggo. Bagama’t magkaiba naman ang kanilang genre, as to which is a bigger winner in terms of viewership obviously remains to be seen.

What’s new with the The Buzz though ay ang umano’y pagkakasali ni Sharon Cuneta sa nakasanayan nang tandem nina Boy Abunda at Kris Aquino. If so, well, expect a show that leaves no dead air from three of the most talked about and most talkative showbiz icons.

We can just imagine na ang pagbabalik sa ere ng The Buzz may be “prize-less” compared to Willie’s, pero busog naman ang mga manonood hungry and ravenous sa mga latest showbiz news na merong kaakibat na mga intelihenteng opinyon from Kuya Boy, Sharon, and Kris (in this particular order).

But wait, all three nga pala are identified with the administration. For sure naman, ang bagong-bihis na The Buzz will not don a yellow-colored outfit para isipin ng publiko that the P-Noy administration has created an entertainment media bureau.

Hashtag malapit na ang eleksiyon.

 

MAY PAGKA-WEIRD ang special episode this Sunday ng Ismol Family, and why?

Meron kasing magde-debut, at ‘yun ay walang iba kundi si Yumi (Bianca Umali). Teka, isn’t Yumi only sweet sixteen?

Ibahin n’yo raw ang Ismol Family dahil tanging ang pamilyang ito lang ang may pakana ng ganitong gimik. Puwes, just who’s the brains hehind this occasion?

‘Yun ay walang iba kundi ang tinanghal na 2015 Outstanding Supporting Actress ng Golden Screen TV Awards na si Carmi Martin (Mama A).

Pero may bad news dahil hindi pa matapus-tapos ang gown ni Yumi, eh, sa Sunday na ang kanyang debut. Worse, hindi rin final kung saan ang venue.

Hindi lang ‘yan, wala pa ring magke-cater at kung sino ang magiging first dance ng bagets. Si Bobong (Mike “Pekto” Nacua) ba? May mabubunyag din sa ending. Magtatapat na ba si Ethan (Miguel Tanfelix) o may babaril kay Bobong? At sino ba talaga ang gagastos sa debut ni Yumi?

Ang lahat ng ‘yan, abangan sa Ismol Family this Sunday pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III