SHARON CUNETA, IBANG-IBA MAG-ALAGA

ADVERTISING

SHARON CUNETA, IBANG-IBA MAG-ALAGA

SHARON CUNETA, IBANG-IBA MAG-ALAGA
Sharon Cuneta

IBA MAG-ALAGA si Sharon Cuneta sa kanyang mga co-stars sa kanyang pelikulang Kuwaresma (showing on May 15), na unang pagtatambal nila ng pamosong si Erik Matti para sa kanilang production na Reality Entertainment kung saan ka-partner ni Direk ang anak ni Mother Lily ng Regal Films na si Dondon Monteverde.

ADVERTISING

Pakain ng pakain daw si Shawie sa set ng pelikula, kuwento ng kapareha ng aktres na si John Arcilla na nalaman namin na fan pala ang aktor ng aktres.

Sa katunayan, one time, nagpa-lechon si Mega sa set na syempre, sa pagiging generous ni Sharon, hindi lang ang mga artista ng pelikula ang nakatikim ng pa-lechon niya kundi pati ang production staff at crew ay nabusog sa paganap ni Mega.

Maging ang nagbabalik na si Guia Alvarez (dating artista ng Star Magic na kapatid ni Gio), have good words kay Mega na minsan ay nakasama pa pala ng aktres almost 20 years ago.

ADVERTISING

“She takes care of us,” kuwento ni Guia.

SHARON CUNETA, IBANG-IBA MAG-ALAGA
Sharon Cuneta with Producer Dondon Monteverde, Direk Erik Matti and John Arcilla 2nd pic

Kuwento nga ng kapareha ni Sharon sa movie na si John Arcilla playing her husband sa pelikula ay :” Personally, napaka-generous niya, lagi kaming merong pagkain.”

Si Sharon, kilala sa showbiz na very galante sa mga katrabaho niya sa set. Pero kung sa pagiging galante din lang naman ang paguusapan, walang tatalo sa pagiging generous ng ina niya na si Mommy Elaine na love na love ng mga entertainment reporters noon. I’m sure, kay Mommy Elaine nagmana ang aktres.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING