Sharon Cuneta hot na hot sa ‘Revirginized’ photo with Marco Gumabao

Leo Bukas

BUMULAGA sa social media nitong Martes, March 30 ang picture ni Megastar Sharon Cuneta na kuha sa syuting ng kanyang pelikulang Revirginized na idinirek ni Darryl Yap. Sa naturang picture ay masayang nakikipagsayawan si Sharon habang nakasuot ng seksing damit kay Marco Gumabao.

Sharon Cuneta hot na hot  sa ‘Revirginized’ photo with Marco Gumabao
Marco Gumabao and Sharon Cuneta in ‘Revirginized’

“Hindi namin sasabihing isang bagong “Sharon Cuneta” ang inyong aabangan. Ang gusto naming ipagyabang: Siya pa rin si SHARON CUNETA maging ngayong bagong panahon,” pagmamalaking post ng director sa kanyang Facebook account bilang caption sa larawan ni Sharon.

“Mula sa pananalita, kilos, atake at pagkinang; paparating na ang pinakamatapang na paandar ng nag-iisang MEGASTAR.

“PINASIKIP. PINAKIPOT. PINAINIT.
SHARON CUNETA IS #REVIRGINIZED,” hirit pa ni Direk Darryl.

Very proud ding ipinost ni Sharon ang naturang photo sa kanyang Instagram account.

“Okey! Konting pasilip sa “Revirginized!”

Hindi naman napigilan ng ilang celebrities tulad nina Mariel Padilla, Ogie Alcasid, Sherilyn Reyes, at mismong si Marco Gumabao na mag-react sa photo. Napa-OMG sila at sinabing ang hot ni Sharon sa larawan.